1
ECLESIASTES 2:26
Ang Biblia, 2001
Sapagkat ang tao na kinalulugdan ng Diyos ay binibigyan niya ng karunungan, kaalaman at kagalakan; ngunit sa makasalanan ay ibinibigay niya ang gawain ng pagtitipon at pagbubunton, upang maibigay sa kanya na kinalulugdan ng Diyos. Ito man ay walang kabuluhan at pakikipaghabulan sa hangin.
Paghambingin
I-explore ECLESIASTES 2:26
2
ECLESIASTES 2:24-25
Walang mabuti sa tao kundi ang kumain at uminom, at magpakaligaya sa kanyang pinagpaguran. Nakita ko na ito man ay mula sa kamay ng Diyos. Sapagkat sinong makakakain, o sinong makapagtataglay ng kagalakan na hiwalay sa kanya?
I-explore ECLESIASTES 2:24-25
3
ECLESIASTES 2:11
Nang magkagayo'y minasdan ko ang lahat na ginawa ng aking mga kamay, at ang pagpapagal na aking ginugol sa paggawa nito. At muli, lahat ay walang kabuluhan at pakikipaghabulan sa hangin, at walang mapapakinabang sa ilalim ng araw.
I-explore ECLESIASTES 2:11
4
ECLESIASTES 2:10
At anumang ninasa ng aking mga mata ay hindi ko ipinagkait. Hindi ko pinigil ang aking puso sa anumang kasiyahan, sapagkat nagagalak ang aking puso dahil sa lahat kong gawain; at ito ang aking gantimpala para sa lahat ng aking pagpapagod.
I-explore ECLESIASTES 2:10
5
ECLESIASTES 2:13
Nang magkagayo'y aking nakita, na ang karunungan ay nakakahigit sa kahangalan, na gaya ng liwanag na nakakahigit sa kadiliman.
I-explore ECLESIASTES 2:13
6
ECLESIASTES 2:14
Ang mga mata ng pantas ay nasa kanyang ulo, ngunit ang hangal ay lumalakad sa kadiliman; gayunma'y aking nakita na isang kapalaran ang dumarating sa kanilang lahat.
I-explore ECLESIASTES 2:14
7
ECLESIASTES 2:21
Sapagkat kung minsan ang taong gumawa na may karunungan, kaalaman, at kakayahan ay iiwanan ang lahat upang pakinabangan ng taong hindi nagpagod para dito. Ito man ay walang kabuluhan at malaking kasamaan.
I-explore ECLESIASTES 2:21
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas