1
MGA KAWIKAAN 12:25
Ang Biblia, 2001
Nagpapabigat sa puso ng tao ang pagkabalisa, ngunit ang mabuting salita ay nagpapasaya sa kanya.
Paghambingin
I-explore MGA KAWIKAAN 12:25
2
MGA KAWIKAAN 12:1
Ang umiibig sa pangaral ay umiibig sa kaalaman, ngunit ang namumuhi sa saway ay isang hangal.
I-explore MGA KAWIKAAN 12:1
3
MGA KAWIKAAN 12:18
Mga salitang padalus-dalos ay parang ulos ng espada, ngunit ang dila ng pantas ay kagalingan ang dala.
I-explore MGA KAWIKAAN 12:18
4
MGA KAWIKAAN 12:15
Ang lakad ng hangal, sa sarili niyang paningin ay wasto, ngunit ang marunong ay nakikinig sa payo.
I-explore MGA KAWIKAAN 12:15
5
MGA KAWIKAAN 12:16
Ang pagkayamot ng hangal ay agad nahahalata, ngunit hindi pinapansin ng matalino ang pagkutya.
I-explore MGA KAWIKAAN 12:16
6
MGA KAWIKAAN 12:4
Ang mabuting babae ay korona ng kanyang asawa, ngunit parang kabulukan sa kanyang mga buto kung kahihiyan ang dulot niya.
I-explore MGA KAWIKAAN 12:4
7
MGA KAWIKAAN 12:22
Mga sinungaling na labi sa PANGINOON ay kasuklamsuklam, ngunit ang gumagawa nang may katotohanan ay kanyang kinalulugdan.
I-explore MGA KAWIKAAN 12:22
8
MGA KAWIKAAN 12:26
Ang matuwid sa kanyang kapwa ay patnubay, ngunit ang lakad ng masama sa kanila'y nakapagpapaligaw.
I-explore MGA KAWIKAAN 12:26
9
MGA KAWIKAAN 12:19
Ang labi ng katotohanan ay nagtatagal kailanman, ngunit ang sinungaling na dila ay panandalian lamang.
I-explore MGA KAWIKAAN 12:19
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas