1
MGA KAWIKAAN 15:1
Ang Biblia, 2001
Nakapapawi ng poot ang sagot na malumanay, ngunit nagbubunsod sa galit ang salitang magaspang.
Paghambingin
I-explore MGA KAWIKAAN 15:1
2
MGA KAWIKAAN 15:33
Ang takot sa PANGINOON ay pagtuturo sa karunungan, at ang pagpapakumbaba ay nauuna sa karangalan.
I-explore MGA KAWIKAAN 15:33
3
MGA KAWIKAAN 15:4
Punungkahoy ng buhay ang dilang mahinahon, ngunit nakakasira ng espiritu ang kalikuan niyon.
I-explore MGA KAWIKAAN 15:4
4
MGA KAWIKAAN 15:22
Kung walang payo mga panukala'y nawawalang-saysay, ngunit sa dami ng mga tagapayo sila'y nagtatagumpay.
I-explore MGA KAWIKAAN 15:22
5
MGA KAWIKAAN 15:13
Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha, ngunit sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa.
I-explore MGA KAWIKAAN 15:13
6
MGA KAWIKAAN 15:3
Ang mga mata ng PANGINOON ay nasa bawat panig, sa masama at sa mabuti ay nagmamasid.
I-explore MGA KAWIKAAN 15:3
7
MGA KAWIKAAN 15:16
Mas mabuti ang kaunti kung may takot sa PANGINOON, kaysa malaking kayamanan na may kaguluhan doon.
I-explore MGA KAWIKAAN 15:16
8
MGA KAWIKAAN 15:18
Ang mainiting tao ay nag-uudyok ng pagtatalo, ngunit siyang makupad sa galit ay nagpapahupa ng gulo.
I-explore MGA KAWIKAAN 15:18
9
MGA KAWIKAAN 15:28
Ang puso ng matuwid ay nag-iisip ng isasagot, ngunit ang bibig ng masama ay masasama ang ibinubuhos.
I-explore MGA KAWIKAAN 15:28
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas