1
MGA AWIT 95:6-7
Ang Biblia, 2001
ABTAG01
O parito kayo, tayo'y sumamba at yumukod; tayo'y lumuhod sa harapan ng PANGINOON, ang ating Manlilikha! Sapagkat siya'y ating Diyos, at tayo'y bayan ng kanyang pastulan, at mga tupa ng kanyang kamay. Ngayon kung inyong papakinggan ang kanyang tinig
Paghambingin
I-explore MGA AWIT 95:6-7
2
MGA AWIT 95:1-2
O halikayo, tayo'y umawit sa PANGINOON; tayo'y sumigaw na may kagalakan sa malaking bato ng ating kaligtasan! Lumapit tayo sa kanyang harapan na may pagpapasalamat; tayo'y sumigaw na may kagalakan sa kanya ng mga awit ng pagpupuri!
I-explore MGA AWIT 95:1-2
3
MGA AWIT 95:3
Sapagkat ang PANGINOON ay dakilang Diyos, at dakilang Hari sa lahat ng mga diyos.
I-explore MGA AWIT 95:3
4
MGA AWIT 95:4
Nasa kanyang kamay ang mga kalaliman ng lupa, ang mga kataasan ng mga bundok ay kanya rin.
I-explore MGA AWIT 95:4