1
MGA TAGA ROMA 14:17-18
Ang Biblia, 2001
Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay hindi ang pagkain at pag-inom, kundi ang pagiging matuwid, kapayapaan, at ang kagalakan sa Espiritu Santo. Sapagkat ang naglilingkod nang ganito kay Cristo ay kalugud-lugod sa Diyos, at tinatanggap ng mga tao.
Paghambingin
I-explore MGA TAGA ROMA 14:17-18
2
MGA TAGA ROMA 14:8
Kung nabubuhay tayo, sa Panginoon tayo'y nabubuhay; o kung namamatay tayo, sa Panginoon tayo'y namamatay. Kaya't mabuhay man tayo o mamatay, tayo'y sa Panginoon.
I-explore MGA TAGA ROMA 14:8
3
MGA TAGA ROMA 14:19
Kaya nga sundin natin ang mga bagay na magbubunga ng kapayapaan, at ang mga bagay na makapagpapatibay sa isa't isa.
I-explore MGA TAGA ROMA 14:19
4
MGA TAGA ROMA 14:13
Huwag na tayong humatol pa sa isa't isa; kundi ipasiya na huwag maglagay ng batong katitisuran o ng balakid sa daan ng kanyang kapatid.
I-explore MGA TAGA ROMA 14:13
5
MGA TAGA ROMA 14:11-12
Sapagkat nasusulat, “Kung paanong buháy ako, sabi ng Panginoon, ang bawat tuhod ay luluhod sa akin, at ang bawat dila ay magpupuri sa Diyos.” Kaya't ang bawat isa sa atin ay magbibigay-sulit sa Diyos ng kanyang sarili.
I-explore MGA TAGA ROMA 14:11-12
6
MGA TAGA ROMA 14:1
Ngunit ang mahina sa pananampalataya ay tanggapin ninyo, hindi upang mag-away tungkol sa mga kuru-kuro.
I-explore MGA TAGA ROMA 14:1
7
MGA TAGA ROMA 14:4
Sino kang humahatol sa alipin ng iba? Sa kanyang sariling panginoon siya ay tatayo o mabubuwal. Subalit siya'y patatayuin, sapagkat magagawa ng Panginoon na siya'y tumayo.
I-explore MGA TAGA ROMA 14:4
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas