1
MGA KAWIKAAN 22:6
Ang Biblia (1905/1982)
Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, At pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.
Paghambingin
I-explore MGA KAWIKAAN 22:6
2
MGA KAWIKAAN 22:4
Ang kagantihan sa kapakumbabaan at ang pagkatakot sa Panginoon Ay kayamanan, at karangalan, at buhay.
I-explore MGA KAWIKAAN 22:4
3
MGA KAWIKAAN 22:1
Ang mabuting pangalan ay maiging piliin, kay sa malaking kayamanan, At ang magandang kalooban, kay sa pilak at ginto.
I-explore MGA KAWIKAAN 22:1
4
MGA KAWIKAAN 22:24
Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; At sa mainiting tao ay huwag kang sasama
I-explore MGA KAWIKAAN 22:24
5
MGA KAWIKAAN 22:9
Ang may magandang-loob na mata ay pagpapalain: Sapagka't nagbibigay ng kaniyang tinapay sa dukha.
I-explore MGA KAWIKAAN 22:9
6
MGA KAWIKAAN 22:3
Ang mabait na tao ay nakakakita ng kasamaan at nagkukubli: Nguni't dinadaanan ng musmos at nagtitiis.
I-explore MGA KAWIKAAN 22:3
7
MGA KAWIKAAN 22:7
Ang mayaman ay magpupuno sa dukha, At ang manghihiram ay alipin ng nagpapahiram.
I-explore MGA KAWIKAAN 22:7
8
MGA KAWIKAAN 22:2
Ang mayaman at ang dukha ay nagkakasalubong kapuwa: Ang Panginoon ang May-lalang sa kanilang lahat.
I-explore MGA KAWIKAAN 22:2
9
MGA KAWIKAAN 22:22-23
Huwag kang magnakaw sa dukha, sapagka't siya'y dukha, Ni pumighati man sa nagdadalamhati sa pintuang-bayan: Sapagka't ipakikipaglaban ng Panginoon ang kanilang usap, At sasamsaman ng buhay yaong nagsisisamsam sa kanila.
I-explore MGA KAWIKAAN 22:22-23
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas