1
Marcos 13:13
Magandang Balita Bible (Revised)
Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod sa akin, ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.”
Paghambingin
I-explore Marcos 13:13
2
Marcos 13:33
Mag-ingat kayo at maging handa dahil hindi ninyo alam kung kailan ito mangyayari.
I-explore Marcos 13:33
3
Marcos 13:11
Kapag kayo'y dinakip nila upang litisin, huwag kayong mababahala kung ano ang sasabihin ninyo. Sa oras na iyon, sasabihin ninyo ang dapat ninyong sabihin, sapagkat hindi kayo ang magsasalita; ang inyong mga sasabihin ay manggagaling sa Espiritu Santo.
I-explore Marcos 13:11
4
Marcos 13:31
Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay mananatili magpakailanman.”
I-explore Marcos 13:31
5
Marcos 13:32
“Ngunit walang nakakaalam ng araw o ng oras na iyon, kahit ang mga anghel sa langit, o ang Anak man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito.
I-explore Marcos 13:32
6
Marcos 13:7
Huwag kayong mababagabag kung makabalita kayo ng mga digmaang malapit sa inyo at mga digmaan sa malayong lugar. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa ito ang wakas.
I-explore Marcos 13:7
7
Marcos 13:35-37
Gayundin naman, magbantay kayong lagi dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang panginoon ng sambahayan. Ito'y maaaring sa takipsilim, sa hatinggabi, sa madaling-araw, o kaya'y sa umaga. Baka siya'y biglang dumating at maratnan kayong natutulog. Ang sinasabi ko sa inyo'y sinasabi ko sa lahat. Maging handa kayo!”
I-explore Marcos 13:35-37
8
Marcos 13:8
Sapagkat makikipagdigma ang mga bansa laban sa kapwa bansa at ang mga kaharian laban sa kapwa kaharian. Lilindol sa iba't ibang dako, at magkakaroon ng mga taggutom. Ang mga ito'y pasimula pa lamang ng paghihirap na tulad ng nararanasan ng isang nanganganak.
I-explore Marcos 13:8
9
Marcos 13:10
Ngunit dapat munang maipangaral sa lahat ng bansa ang Magandang Balita bago dumating ang wakas.
I-explore Marcos 13:10
10
Marcos 13:6
Maraming lilitaw at magpapanggap na sila ang Cristo, at ililigaw nila ang marami.
I-explore Marcos 13:6
11
Marcos 13:9
“Mag-ingat kayo! Sapagkat kayo'y darakpin at isasakdal sa mga Sanedrin, hahagupitin sa mga sinagoga, at dadalhin kayo sa mga gobernador at mga hari nang dahil sa inyong pagsunod sa akin, upang magpatotoo sa kanila.
I-explore Marcos 13:9
12
Marcos 13:22
Sapagkat may mga magpapanggap na Cristo at may mga magpapanggap na propeta. Magpapakita sila ng mga himala at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, ang mga hinirang ng Diyos.
I-explore Marcos 13:22
13
Marcos 13:24-25
“Subalit sa mga panahong iyon, pagkatapos ng kapighatiang iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at magúgulo ang mga kapangyarihan sa kalawakan.
I-explore Marcos 13:24-25
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas