Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Cronica 14

14
Ang Pamilya ni David
(2 Sam. 5:11-16)
1Samantala, nagsugo ng mga mensahero si Haring Hiram ng Tyre kay David kasama ng mga karpintero at kantero. Nagpadala rin siya ng mga trosong sedro para maipagpatayo ng palasyo si David. 2At dito nalaman ni David na ang Panginoon ang nagluklok sa kanya bilang hari at nagpalago ng kaharian niya para sa mga mamamayan niyang Israelita.
3Doon sa Jerusalem, marami pang naging asawa si David, at nadagdagan pa ang mga anak niya. 4Ito ang mga anak niya na isinilang doon: Shamua,#14:4 Shamua: o, Shimea. Shobab, Natan, Solomon, 5Ibhar, Elishua, Elpelet, 6Noga, Nefeg, Jafia, 7Elishama, Beeliada,#14:7 Beeliada: o, Eliada. at Elifelet.
Tinalo ni David ang mga Filisteo
(2 Sam. 5:17-25)
8Nang mabalitaan ng mga Filisteo na si David ang piniling hari sa buong Israel, tinipon nila ang lahat ng sundalo nila para hulihin siya. Pero nabalitaan iyon ni David, at sinalubong niya sila. 9Nang lusubin ng mga Filisteo ang Lambak ng Refaim, 10nagtanong si David sa Dios, “Sasalakayin po ba namin ang mga Filisteo? Matatalo po ba namin sila?” Sumagot ang Panginoon, “Oo, lumakad kayo, dahil matatalo ninyo sila.” 11Kaya pumunta si David at ang mga tauhan niya sa Baal Perazim, at tinalo nila roon ang mga Filisteo. Sinabi ni David, “Nilipol ng Dios ang mga kalaban ko na parang dinaanan ng rumaragasang baha, at ginamit niya ako para lipulin sila.” Kaya tinawag na Baal Perazim#14:11 Baal Perazim: Ang ibig sabihin, ang Panginoon ang lumusob. ang lugar na iyon.
12Naiwan ng mga Filisteo ang mga dios-diosan nila roon, at nag-utos si David na sunugin ang mga ito.
13Muling nilusob ng mga Filisteo ang Lambak ng Refaim. 14Kaya muling nagtanong si David sa Dios, at sumagot ang Dios sa kanya, “Huwag nʼyo agad silang salakayin, palibutan nʼyo muna, at saka nʼyo sila salakayin malapit sa puno ng balsamo. 15Kapag narinig ninyo na parang may nagmamartsang mga sundalo sa itaas ng puno ng balsamo, sumalakay kayo agad dahil iyon ang palatandaan na pinangungunahan ko kayo sa pagsalakay sa mga Filisteo.” 16Kaya sinunod ni David ang iniutos sa kanya ng Dios, at pinatay nila ang mga Filisteo mula sa Gibeon hanggang sa Gezer.
17Kaya naging tanyag si David kahit saan, at ginawa ng Panginoon na katakutan siya ng lahat ng bansa.

Kasalukuyang Napili:

1 Cronica 14: ASND

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in