2 Juan 1
1
1Mula sa matandang pinuno ng iglesya#1:1 iglesya: Ang ibig sabihin, “mga mananampalataya ni Kristo.”,
Mahal kong Ginang na pinili ng Diyos, at sa iyong mga anak.#1:1 Itoʼy isang sikretong tawag ni Juan sa iglesyang sinusulatan niya at ang mga miyembro nito. Minamahal ko kayong tunay, at hindi lang ako kundi ang lahat ng nakakaalam sa totoong katuruan. 2Minamahal namin kayo dahil sa katotohanang ito na nasa atin at mananatili sa atin magpakailanman.
3Sumaatin nawa ang biyaya, awa, at kapayapaang mula sa Diyos Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo na kanyang Anak, habang namumuhay tayo sa katotohanan at pag-ibig.
Mamuhay sa Katotohanan
4Labis akong nagalak nang malaman kong ang ilan sa iyong mga anak ay namumuhay sa katotohanan, ayon sa iniutos sa atin ng Diyos Ama. 5Kaya Ginang, hinihiling ko sa iyo ngayon: Magmahalan tayong lahat. Hindi bago ang utos na ito kundi dati nang ibinigay ito sa atin noong nagsisimula pa lang tayo sa pananampalataya. 6Makikita ang pag-ibig sa atin kung namumuhay tayo ayon sa mga utos ng Diyos. At tulad nang narinig ninyo noong nagsimula kayo sa pananampalataya, ang utos niya ay mamuhay tayo nang may pag-ibig.
7Sinasabi ko ito sapagkat maraming manloloko ang naglipana sa mundo. Sila ang mga taong hindi kumikilala na si Hesu-Kristo ay dumating bilang tao. Ang ganitong mga tao ay manloloko at anti-Kristo. 8Mag-ingat kayo upang hindi mawala ang aming pinaghirapan; sa halip ay matanggap ninyo ang buong gantimpala.
9Ang taong hindi nagpapatuloy sa katuruan ni Kristo kundi nagtuturo pa ng labis dito, hindi sumasakanya ang Diyos. Ang taong nagpapatuloy sa katuruan ni Kristo, sumasakanya ang Ama at ang Anak. 10Kung may dumating sa inyo na iba ang itinuturo, huwag nʼyo siyang patuluyin sa inyong tahanan, ni batiin. 11Sapagkat ang sinumang bumabati sa kanya ay nakikibahagi sa masasama niyang gawain.
12Marami pa sana akong sasabihin sa inyo, ngunit ayaw kong sabihin sa sulat na ito. Sapagkat umaasa akong madadalaw ko kayo at makakausap upang malubos ang ating kagalakan.
13Kinukumusta ka ng mga anak ng kapatid mong babae na pinili rin ng Diyos.
Kasalukuyang Napili:
2 Juan 1: ASD
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.
Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.
―――――――
Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Used with permission. All rights reserved worldwide.