Mga Gawa 19:8-10
Mga Gawa 19:8-10 ASD
Sa loob ng tatlong buwan, patuloy ang pagpunta ni Pablo sa sinagoga. Hindi siya natatakot magsalita sa mga tao. Nakipagdiskusyon siya at ipinaliwanag sa kanila ang tungkol sa paghahari ng Diyos. Ngunit ang iba sa kanilaʼy matigas talaga ang ulo at ayaw maniwala, at lantaran nilang sinisiraan ang Daan. Kaya umalis si Pablo sa kanilang sinagoga kasama ang mga alagad, at araw-araw ay pumupunta siya sa bulwagan ni Tirano upang ipagpatuloy ang pakikipagdiskusyon sa harap ng madla. Sa loob ng dalawang taon, ganoon ang kanyang ginagawa, kaya ang lahat ng nakatira sa lalawigan ng Asia, Hudyo at Griyego ay nakarinig ng salita ng Panginoon.

