Mga Gawa 19:8-10 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Gawa 19:8-10 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Sa loob ng tatlong buwan, si Pablo'y pumapasok sa sinagoga at buong tapang na nagpapaliwanag sa mga naroon at hinihikayat niya ang mga tao na magpasakop sa paghahari ng Diyos. Ngunit may ilan sa kanila na nagmamatigas at ayaw sumampalataya, at nagsasalita pa sila ng masama laban sa Daan sa harap ng kapulungan. Kaya't iniwan ni Pablo ang sinagoga kasama ang mga mananampalataya at nagpatuloy ng kanyang pangangaral araw-araw sa paaralan ni Tirano. Tumagal siya roon nang dalawang taon, kaya't ang lahat ng naninirahan sa Asia, maging Judio o Griego ay nakarinig ng salita ng Panginoon.
Mga Gawa 19:8-10 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Sa loob ng tatlong buwan, patuloy ang pagpunta ni Pablo sa sinagoga. Hindi siya natatakot magsalita sa mga tao. Nakipagdiskusyon siya at ipinaliwanag sa kanila ang tungkol sa paghahari ng Diyos. Ngunit ang iba sa kanilaʼy matigas talaga ang ulo at ayaw maniwala, at lantaran nilang sinisiraan ang Daan. Kaya umalis si Pablo sa kanilang sinagoga kasama ang mga alagad, at araw-araw ay pumupunta siya sa bulwagan ni Tirano upang ipagpatuloy ang pakikipagdiskusyon sa harap ng madla. Sa loob ng dalawang taon, ganoon ang kanyang ginagawa, kaya ang lahat ng nakatira sa lalawigan ng Asia, Hudyo at Griyego ay nakarinig ng salita ng Panginoon.
Mga Gawa 19:8-10 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sa loob ng tatlong buwan, si Pablo'y pumapasok sa sinagoga at buong tapang na nagpapaliwanag sa mga naroon at hinihikayat niya ang mga tao na magpasakop sa paghahari ng Diyos. Ngunit may ilan sa kanila na nagmamatigas at ayaw sumampalataya, at nagsasalita pa sila ng masama laban sa Daan sa harap ng kapulungan. Kaya't iniwan ni Pablo ang sinagoga kasama ang mga mananampalataya at nagpatuloy ng kanyang pangangaral araw-araw sa paaralan ni Tirano. Tumagal siya roon nang dalawang taon, kaya't ang lahat ng naninirahan sa Asia, maging Judio o Griego ay nakarinig ng salita ng Panginoon.
Mga Gawa 19:8-10 TLAB (Ang Biblia)
At siya'y pumasok sa sinagoga, at nagsalitang may katapangan sa loob ng tatlong buwan, na nangangatuwiran at nanghihikayat tungkol sa mga bagay na nauukol sa kaharian ng Dios. Datapuwa't nang magsipagmatigas ang ilan at ayaw magsipaniwala, na pinagsasalitaan ng masama ang Daan sa harapan ng karamihan, ay umalis siya sa kanila, at inihiwalay ang mga alagad, na nangangatuwiran araw-araw sa paaralan ni Tiranno. At ito'y tumagal sa loob ng dalawang taon; ano pa't ang lahat ng mga nagsisitahan sa Asia ay nangakarinig ng salita ng Panginoon, ang mga Judio at gayon din ang mga Griego.
Mga Gawa 19:8-10 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))