Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Amos 1:1-3

Amos 1:1-3 ASND

Ito ang mensahe ni Amos na isang pastol ng mga tupa na taga-Tekoa. Ang mensaheng ito ay tungkol sa Israel. Ipinahayag ito sa kanya ng Dios dalawang taon bago lumindol, noong panahon na si Uzia ang hari ng Juda at si Jeroboam na anak ni Joash ang hari ng Israel. Sinabi ni Amos: “Umaatungal ang PANGINOON mula sa Zion; dumadagundong ang tinig niya mula sa Jerusalem. Dahil dito natutuyo ang mga pastulan ng mga pastol at nalalanta ang mga tanim sa tuktok ng Bundok ng Carmel.” Ito ang sinasabi ng PANGINOON tungkol sa Syria: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Damascus, parurusahan ko sila. Sapagkat pinagmalupitan nila ang mga taga-Gilead na parang giniik ng tabla na may mga ngiping bakal sa ilalim.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Amos 1:1-3