Daniel 3:1-2
Daniel 3:1-2 ASD
Nagpagawa si Haring Nebucadnezar ng gintong imahen. May siyamnapuʼt talampakan ang taas at siyam na talampakan ang lapad. Ipinatayo niya ito sa kapatagan ng Dura sa lalawigan ng Babilonia. Pagkatapos, ipinatawag ni Haring Nebucadnezar ang mga gobernador, mga alkalde, mga komisyoner, mga tagapayo, mga ingat-yaman, mga hukom, at iba pang mga opisyal ng lalawigan upang dumalo sa pagtatalaga ng nasabing rebulto.

