DANIEL 3:1-2
DANIEL 3:1-2 ABTAG01
Ang haring si Nebukadnezar ay gumawa ng isang rebultong ginto na ang taas ay siyamnapung talampakan, at ang lapad ay siyam na talampakan. Itinayo niya ito sa kapatagan ng Dura, sa lalawigan ng Babilonia. At nagsugo si Haring Nebukadnezar upang tipunin ang mga tagapangasiwa ng lalawigan, mga kinatawan, mga gobernador, mga ingat-yaman, mga tagapayo, mga hukom, at ang lahat ng mga pinuno ng mga lalawigan upang pumunta sa pagtatalaga ng rebultong itinayo ng haring si Nebukadnezar.

