“Ang mga pari na mga Levita, at ang iba pang mga sakop ng lahi ni Levi ay walang lupaing mamanahin sa Israel. Makakakain lang sila sa pamamagitan ng mga handog sa pamamagitan ng apoy para sa PANGINOON, dahil ito ang kanilang mana. Wala silang mamanahing lupain hindi tulad ng kapwa nila Israelita; ang PANGINOON ang kanilang mana ayon sa ipinangako niya sa kanila. “Balikat, pisngi at tiyan ang mga bahaging mula sa baka o tupa na mula sa handog ng mga tao ang nakalaan para sa mga pari. Ibigay din ninyo sa mga pari ang naunang bahagi ng inyong trigo, bagong katas ng ubas, langis at balahibo ng tupa. Sapagkat sa lahat ng lahi ng Israel, sila at ang kanilang mga angkan ang pinili ng PANGINOON na inyong Dios para maglingkod sa kanya magpakailanman. “Ang sinumang Levita na naninirahan sa kahit saang lugar ng Israel ay makakapunta sa lugar na pinili ng PANGINOON, at makapaglilingkod siya roon sa PANGINOON na kanyang Dios, katulad ng kapwa niya Levita na naglilingkod doon sa presensya ng PANGINOON. Makakatanggap din siya ng kanyang bahagi sa mga handog kahit na mayroon pa siyang tinatanggap mula sa iba na kanyang ikinabubuhay. “Kapag nakapasok na kayo sa lupaing ibinibigay sa inyo ng PANGINOON na inyong Dios, huwag ninyong susundin ang kasuklam-suklam na mga kaugalian ng mga naninirahan doon. Wala ni isa man sa inyo na magsusunog ng kanyang anak bilang handog. At huwag din kayong manghuhula, mangkukulam, manggagaway, gumagawa ng mga ginagawa ng mga espiritista, at makikipag-usap sa espiritu ng mga patay. Kinasusuklaman ng PANGINOON ang sinumang gumagawa ng mga bagay na ito. Ito ang dahilan kung bakit palalayasin ng PANGINOON na inyong Dios ang mga bansa sa inyong harapan. Wala dapat kayong maging kapintasan sa harap ng PANGINOON na inyong Dios. “Ang mga bansang ito na palalayasin ninyo ay sumasangguni sa mga mangkukulam at mga manghuhula. Pero kayo, pinagbabawalan ng PANGINOON na inyong Dios sa paggawa nito.
Basahin Deuteronomio 18
Makinig sa Deuteronomio 18
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Deuteronomio 18:1-14
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas