Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mangangaral 11

11
Ang Gawain ng Taong Marunong
1Ipuhunan mo ang pera mo sa negosyo at sa kalaunan ay kikita ka.#11:1 Ipuhunan … ka: o, Bukas-palad kang magbigay at hindi magtatagal ikaw din ay magkakaroon. 2Ilagay mo ang pera mo sa ibaʼt ibang#11:2 ibaʼt ibang: sa literal, pito o walo. negosyo,#11:2 Ilagay … negosyo: o, Magbigay ka sa maraming tao. dahil hindi mo alam kung anong kalamidad ang darating dito sa mundo. 3Kapag makapal na ang ulap, magbubuhos ito ng ulan sa mundo. At kung saan natumba ang puno, doon iyon mananatili.#11:3 Maaaring ang tinutukoy dito ay ang mga nangyayari sa mundo, katulad ng mga kalamidad na hindi mapipigilan ng tao. 4Kung palagi ka lang maghihintay ng magandang panahon, hindi ka makakapagtanim at wala kang aanihin.
5Kung paanong hindi mo nalalaman ang direksyon ng hangin o kung paano lumalaki ang sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina, ganoon din ang ginagawa ng Dios na gumagawa ng lahat ng bagay, hindi mo rin ito maiintindihan.
6Maghasik ka ng binhi sa umaga hanggang gabi, dahil hindi mo alam kung alin sa itinanim mo ang tutubo, o kung lahat ito ay tutubo. 7Masarap mabuhay, kaya mas mabuting mabuhay. 8Kaya sa buong buhay mo ay maging masaya ka, gaano man ito kahaba. Ngunit, alalahanin mong darating ang kamatayan at magtatagal iyon. Lahat ng mangyayari ay walang kabuluhan.
9Kayong mga kabataan, magsaya kayo habang kayoʼy bata pa. Gawin ninyo ang gusto ninyong gawin, pero alalahanin ninyong hahatulan kayo ng Dios ayon sa inyong mga ginawa. 10Huwag kayong mag-alala o mabalisa man dahil ang panahon ng kabataan ay lumilipas lang.

Kasalukuyang Napili:

Mangangaral 11: ASND

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in