Mga Taga-Efeso 2:13-16
Mga Taga-Efeso 2:13-16 ASD
Ngunit kayo ngayon ay nakay Kristo Hesus na. Malayo kayo noon sa Diyos, pero ngayon ay malapit na sa kanya sa pamamagitan ng dugo ni Kristo. Sapagkat siya mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan. Inalis niya ang alitang namamagitan sa atin, na animoʼy pader na naghihiwalay sa atin. Sa kanyang kamatayan ay pinawalang-bisa niya ang Kautusan, kasama ang mga utos at mga tuntunin nito. Ginawa niya ito upang maging isang katawan tayong mga Hudyo at mga Hentil, at sa ganitong paraan ay pinagkasundo niya tayo. Ngayong pinag-isa na ang dalawa sa iisang katawan sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan na niya ang alitan natin at ibinalik niya tayo sa Diyos.




