Mga Taga-Efeso 2:13-16 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Taga-Efeso 2:13-16 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus, kayo na dati'y malayo sa Diyos ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan dahil ang mga Judio at ang mga Hentil ay kanyang pinag-isa. Sa pamamagitan ng kanyang katawan, pinawi niya ang alitan na parang pader na naghihiwalay sa atin. Pinawalang-bisa niya ang Kautusang pawang mga utos at alituntunin upang ang mga Judio at mga Hentil ay maging iisang bayan na lamang, at sa ganito'y maghari ang kapayapaan. Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan niya ang kanilang alitan, pinagkasundo sila sa Diyos at pinagbuklod sa iisang katawan.
Mga Taga-Efeso 2:13-16 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Ngunit kayo ngayon ay nakay Kristo Hesus na. Malayo kayo noon sa Diyos, pero ngayon ay malapit na sa kanya sa pamamagitan ng dugo ni Kristo. Sapagkat siya mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan. Inalis niya ang alitang namamagitan sa atin, na animoʼy pader na naghihiwalay sa atin. Sa kanyang kamatayan ay pinawalang-bisa niya ang Kautusan, kasama ang mga utos at mga tuntunin nito. Ginawa niya ito upang maging isang katawan tayong mga Hudyo at mga Hentil, at sa ganitong paraan ay pinagkasundo niya tayo. Ngayong pinag-isa na ang dalawa sa iisang katawan sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan na niya ang alitan natin at ibinalik niya tayo sa Diyos.
Mga Taga-Efeso 2:13-16 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus, kayo na dati'y malayo sa Diyos ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan dahil ang mga Judio at ang mga Hentil ay kanyang pinag-isa. Sa pamamagitan ng kanyang katawan, pinawi niya ang alitan na parang pader na naghihiwalay sa atin. Pinawalang-bisa niya ang Kautusang pawang mga utos at alituntunin upang ang mga Judio at mga Hentil ay maging iisang bayan na lamang, at sa ganito'y maghari ang kapayapaan. Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan niya ang kanilang alitan, pinagkasundo sila sa Diyos at pinagbuklod sa iisang katawan.
Mga Taga-Efeso 2:13-16 TLAB (Ang Biblia)
Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo. Sapagka't siya ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay, Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan; At upang papagkasunduin silang dalawa sa isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus, na sa kaniya'y pinatay ang pagkakaalit.
Mga Taga-Efeso 2:13-16 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))