Ester 4:15-17
Ester 4:15-17 ASD
Ito naman ang ipinasabi ni Ester kay Mordecai, “Humayo ka, tipunin mo ang lahat ng Hudyo na nandito sa Susa at mag-ayuno kayo para sa akin. Huwag kayong kumain o uminom sa loob ng tatlong araw. Ako at ang mga alipin kong babae ay mag-aayuno rin. At pagkatapos, pupunta ako sa hari kahit na labag sa batas. At kung papatayin man ako, handa akong mamatay.” Umalis nga si Mordecai at ginawa ang ipinapagawa ni Ester.


