Ester 4:15-17 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Ester 4:15-17 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Dahil dito, ipinasabi ni Ester kay Mordecai, “Tipunin mo ang lahat ng Judio rito sa Susa at ipag-ayuno ninyo ako. Huwag kayong kakain o iinom sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. Mag-aayuno rin kami ng aking mga katulong na babae. Pagkatapos, pupunta ako sa hari kahit ito'y labag sa batas, at kung dapat akong mamatay, ako nga ay mamamatay.” Umalis si Mordecai at ginawa ang lahat ng tagubilin ni Ester.
Ester 4:15-17 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Ito naman ang ipinasabi ni Ester kay Mordecai, “Humayo ka, tipunin mo ang lahat ng Hudyo na nandito sa Susa at mag-ayuno kayo para sa akin. Huwag kayong kumain o uminom sa loob ng tatlong araw. Ako at ang mga alipin kong babae ay mag-aayuno rin. At pagkatapos, pupunta ako sa hari kahit na labag sa batas. At kung papatayin man ako, handa akong mamatay.” Umalis nga si Mordecai at ginawa ang ipinapagawa ni Ester.
Ester 4:15-17 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Dahil dito, ipinasabi ni Ester kay Mordecai, “Tipunin mo ang lahat ng Judio rito sa Susa at ipag-ayuno ninyo ako. Huwag kayong kakain o iinom sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. Mag-aayuno rin kami ng aking mga katulong na babae. Pagkatapos, pupunta ako sa hari kahit ito'y labag sa batas, at kung dapat akong mamatay, ako nga ay mamamatay.” Umalis si Mordecai at ginawa ang lahat ng tagubilin ni Ester.
Ester 4:15-17 TLAB (Ang Biblia)
Nang magkagayo'y nagpabalik ng sagot si Esther kay Mardocheo: Ikaw ay yumaon, pisanin mo ang lahat na Judio, na nangakaharap sa Susan, at ipagayuno ninyo ako, at huwag kayong magsikain o magsiinom man na tatlong araw, gabi o araw; ako naman at ang aking mga dalaga ay mangagaayuno ng gayon ding paraan; at sa gayo'y papasukin ko ang hari, na hindi ayon sa kautusan: at kung ako'y mamatay ay mamatay. Sa gayo'y yumaon si Mardocheo at ginawa ang ayon sa lahat na iniutos ni Esther sa kaniya.
Ester 4:15-17 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))