Sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Tumapyas ka ng dalawang malalapad na bato gaya noong una, dahil susulatan ko ito ng mga salitang nakasulat sa naunang bato na binasag mo. Maghanda ka bukas ng umaga, at umakyat ka sa Bundok ng Sinai. Makipagkita ka sa akin sa itaas ng Bundok. Kailangang walang sasama sa iyo; walang sinumang makikita sa kahit saang bahagi ng bundok. Kahit na mga tupa o baka ay hindi maaaring manginain sa bundok.” Kaya tumapyas si Moises ng dalawang malalapad na bato gaya noong una. At kinabukasan, maaga paʼy umakyat na siya sa bundok ayon sa iniutos ng PANGINOON dala ang dalawang malalapad na bato. Bumaba ang PANGINOON sa pamamagitan ng ulap at binanggit niya ang kanyang pangalang PANGINOON habang nakatayo si Moises sa presensya niya. Dumaan ang PANGINOON sa harap ni Moises at sinabi, “Ako ang PANGINOON, ang mahabagin at matulunging Dios. Mapagmahal at matapat ako, at hindi madaling magalit. Ipinapakita ko ang pagmamahal ko sa maraming tao, at pinapatawad ko ang mga kasamaan nila, pagsuway at mga kasalanan. Pero pinaparusahan ko ang mga nagkakasala, pati na ang kanilang salinlahi hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon.” Nagpatirapa si Moises sa lupa at sumamba.
Basahin Exodus 34
Makinig sa Exodus 34
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Exodus 34:1-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas