Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 22:15-17

Genesis 22:15-17 ASND

Muling tinawag ng anghel ng PANGINOON si Abraham mula sa langit. Sinabi niya, “Ito ang sinasabi ng PANGINOON: Sumusumpa ako sa sarili ko na pagpapalain kita nang lubos dahil hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak. Bibigyan kita ng mga lahi na kasindami ng mga bituin sa langit at ng buhangin sa dalampasigan. Sasakupin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway.