Genesis 36
36
Ang mga Lahi ni Esau
(1 Cro. 1:34-37)
1Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Esau (na tinatawag ding Edom).
2Nakapag-asawa si Esau ng mga babaeng taga-Canaan. Silaʼy sina Ada na anak ni Elon na Heteo, si Oholibama na anak ni Ana at apo ni Zibeon na Hiveo, 3at si Basemat na kapatid ni Nebayot na anak ni Ishmael.
4Ang anak ni Esau kay Ada ay si Elifaz. Ang anak niya kay Basemat ay si Reuel. 5At ang mga anak niya kay Oholibama ay sina Jeush, Jalam at Kora. Sila ang mga anak ni Esau na isinilang sa Canaan.
6Dinala ni Esau ang kanyang mga asawaʼt anak, ang lahat ng sakop ng kanyang sambahayan, pati ang mga ari-arian at mga hayop niya na naipon niya sa Canaan. At lumipat siya sa isang lupain na malayo kay Jacob na kanyang kapatid. 7Sapagkat hindi na sila maaaring magsama sa isang lupain dahil sa dami ng mga ari-arian nila; at ang lupain na kanilang tinitirhan ay hindi sapat sa kanila dahil sa dami ng mga hayop nila. 8Kaya roon tumira si Esau (na tinatawag ding Edom) sa kabundukan ng Seir.
9Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Esau na ama ng mga Edomita na nakatira sa kabundukan ng Seir.
10Ang anak na lalaki ni Esau kay Basemat ay si Reuel, at ang anak niyang lalaki kay Ada ay si Elifaz.
11Ang mga anak na lalaki ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo, Gatam at Kenaz.
12May anak ding lalaki si Elifaz sa isa pa niyang asawa na si Timna. Siya ay si Amalek. Sila ang mga apo ni Esau kay Ada.
13Ang mga anak na lalaki ni Reuel ay sina Nahat, Zera, Shama, at Miza. Sila ang mga apo ni Esau kay Basemat.
14Ang mga anak na lalaki ni Esau kay Oholibama ay sina Jeush, Jalam at Kora. (Si Oholibama ay anak ni Ana at apo ni Zibeon).
15Ito ang mga lahi ni Esau na naging pinuno ng ibaʼt ibang angkan: Ang mga lahi ng panganay na anak ni Esau na si Elifaz na naging mga pinuno ay sina Teman, Omar, Zefo, Kenaz, 16Kora, Gatam at Amalek. Sila ang mga pinuno sa lupain ng Edom na nagmula kay Elifaz. Sila ay nagmula sa asawa ni Esau na si Ada.
17Naging pinuno rin sa Edom ang mga anak ni Reuel na sina Nahat, Zera, Shama, at Miza. Sila ang mga apo ni Esau kay Basemat.
18Naging pinuno rin ang mga anak ni Esau kay Oholibama na anak ni Ana. Sila ay sina Jeush, Jalam at Kora.
19Silang lahat ang lahi ni Esau na mga pinuno ng Edom.
Ang mga Lahi ni Seir
(1 Cro. 1:38-42)
20Ito ang mga anak na lalaki ni Seir na Horeo na nakatira sa Edom: Si Lotan, Shobal, Zibeon, Ana, 21Dishon, Ezer at Dishan. Naging pinuno rin sila ng mga Horeo na nakatira sa Edom.
22Ang mga anak na lalaki ni Lotan ay sina Hori at Heman.#36:22 Heman: o, Homam. Si Lotan ay mayroong kapatid na babae na si Timna na isa pang asawa ni Elifaz.
23Ang mga anak na lalaki ni Shobal ay sina Alvan, Manahat, Ebal, Shefo at Onam.
24Ang mga anak na lalaki ni Zibeon ay sina Aya at Ana. Si Ana ang nakatuklas ng bukal doon sa ilang habang nagpapastol siya ng mga asno ng kanyang ama.
25Ang mga anak ni Ana ay sina Dishon at Oholibama.
26Ang mga anak na lalaki ni Dishon ay sina Hemdan, Eshban, Itran at Keran.
27Ang mga anak na lalaki ni Ezer ay sina Bilhan, Zaavan at Akan.
28Ang mga anak na lalaki ni Dishan ay sina Uz at Aran.
29-30Ito naman ang mga pinuno batay sa bawat lahi ng mga Horeo na may pinamamahalaang lupain sa Seir: sina Lotan, Shobal, Zibeon, Ana, Dishon, Ezer at Dishan.
Ang mga Hari ng Edom
(1 Cro. 1:43-54)
31Ito ang mga hari ng Edom noong panahon na wala pang mga hari ang mga Israelita:
32Si Bela na taga-Dinhaba na anak ni Beor ay naging hari sa Edom.
33Pagkamatay ni Bela, pinalitan siya ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bozra.
34Pagkamatay ni Jobab, pinalitan siya ni Husham na taga-Teman.
35Pagkamatay ni Husham, pinalitan siya ni Hadad na taga-Avit na anak ni Bedad. Si Hadad ang tumalo sa mga Midianita roon sa Moab.
36Pagkamatay ni Hadad, pinalitan siya ni Samla na taga-Masreka.
37Pagkamatay ni Samla, pinalitan siya ni Shaul na taga-Rehobot na malapit sa ilog.#36:37 ilog: o, Ilog ng Eufrates.
38Pagkamatay ni Shaul, pinalitan siya ni Baal Hanan na anak ni Acbor.
39Pagkamatay ni Baal Hanan na anak ni Acbor, pinalitan siya ni Hadad na taga-Pau. Ang asawa niya ay si Mehetabel na anak ni Matred at apo ni Me-Zahab.
40-43Si Esau (na tinatawag ding Edom) ang pinagmulan ng mga Edomita. At ito ang mga naging pinuno sa mga lahi ni Esau na ang angkan at lupain ay ipinangalan sa kanila: Timna, Alva, Jetet, Oholibama, Elah, Pinon, Kenaz, Teman, Mibzar, Magdiel, at Iram.
Kasalukuyang Napili:
Genesis 36: ASND
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.