Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 46

46
Pumunta si Jacob sa Egipto
1Umalis si Jacob papuntang Egipto kasama ang sambahayan niya na dala ang lahat ng kanyang ari-arian. Pagdating niya sa Beersheba, naghandog siya sa Dios ng ama niyang si Isaac.
2Kinagabihan, nakipag-usap ang Dios sa kanya sa pamamagitan ng isang pangitain. Tinawag ng Dios si Jacob, at sumagot si Jacob sa kanya.
3Pagkatapos, sinabi niya, “Ako ang Dios, na siyang Dios ng iyong ama. Huwag kang matakot pumunta sa Egipto, dahil gagawin ko kayong isang kilalang bansa roon. 4Ako mismo ang kasama mo sa pagpunta sa Egipto at muli kitang ibabalik dito sa Canaan. At kung mamamatay ka na, nandiyan si Jose sa iyong tabi.”
5Pinasakay si Jacob ng mga anak niya sa karwaheng ibinigay ng Faraon para sakyan niya. Pinasakay din nila ang mga asawaʼt anak nila, at lumipat sila mula sa Beersheba. 6-7Dinala nila ang mga hayop at mga ari-ariang naipon nila sa Canaan. Dinala rin ni Jacob sa Egipto ang lahat ng kanyang lahi: ang mga anak niya at mga apo.
8Ito ang mga pangalan ng mga Israelitang pumunta sa Egipto:
Si Jacob, ang panganay niyang anak na si Reuben;
9ang mga anak ni Reuben:
sina Hanoc, Palu, Hezron at Carmi.
10Si Simeon at ang mga anak niya:
sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jakin, Zohar at si Shaul na anak ng isang Cananea.
11Si Levi at ang mga anak niya:
sina Gershon, Kohat at Merari.
12Si Juda at ang mga anak niya:
sina Er, Onan, Shela, Perez at Zera. (Pero si Er at Onan ay namatay sa Canaan.)
Ang mga anak ni Perez:
sina Hezron at Hamul.
13 Ang mga ito ay kasama rin sa Egipto:
si Isacar at ang mga anak niyang sina Tola, Pua, Iob at Shimron.
14Si Zebulun at ang mga anak niya:
sina Sered, Elon at Jaleel.
15Sila ang 33 anak at apo ni Jacob kay Lea na ipinanganak sa Padan Aram, at hindi kabilang ang anak niyang babae na si Dina.
16 Ang mga ito ay kasama rin sa Egipto:
si Gad at ang mga anak niyang sina Zefon, Hagi, Shuni, Ezbon, Eri, Arodi at Areli.
17Si Asher at ang mga anak niyang sina Imna, Ishva, Ishvi at Beria.
Ang kapatid nilang babae na si Sera.
Ang mga anak ni Beria na sina Heber at Malkiel.
18Sila ang 16 na anak at apo ni Jacob kay Zilpa, ang alipin na ibinigay ni Laban kay Lea.
19Ang mga anak ni Jacob kay Raquel:
sina Jose at Benjamin.
20Ang mga anak ni Jose kay Asenat na ipinanganak sa Egipto na sina Manase at Efraim. (Si Asenat ay anak na babae ni Potifera na pari sa lungsod ng On.)
21Ang mga anak ni Benjamin:
sina Bela, Beker, Ashbel, Gera, Naaman, Ehi, Rosh, Mupim, Hupim at Ard.
22Sila ang 14 na anak at apo ni Jacob kay Raquel.
23 Ang mga ito ay kasama rin sa Egipto:
si Dan at ang anak niyang si Hushim.
24Si Naftali at ang mga anak niya:
sina Jahziel, Guni, Jezer at Shilem.
25Sila ang pitong anak at apo ni Jacob kay Bilha, ang alipin na ibinigay ni Laban kay Raquel.
26Ang bilang ng lahat ng anak at apo ni Jacob na pumunta sa Egipto ay 66. Hindi pa kabilang dito ang mga asawa ng kanyang mga anak. 27Kasama ang dalawang anak ni Jose na ipinanganak sa Egipto, 70 ang kabuuan ng sambahayan ni Jacob na natipon sa Egipto.
28 Nang hindi pa sila nakakarating sa Egipto, inutusan ni Jacob si Juda na maunang pumunta kay Jose para ituro sa kanila ang lugar ng Goshen. Nang dumating na sina Jacob sa Goshen, 29sumakay si Jose sa karwahe niya at pumunta roon sa Goshen para salubungin ang kanyang ama. Nang magkita sila, niyakap ni Jose ang kanyang ama at tuloy-tuloy ang pag-iyak niya.
30Sinabi ni Jacob kay Jose, “Ngayon, handa na akong mamatay dahil nakita na kita ng buhay.”
31At sinabi ni Jose sa mga kapatid niya at sa buong sambahayan ng kanyang ama, “Aalis ako at sasabihin sa Faraon na narito na ang mga kapatid ko at ang buong sambahayan ng aking ama na nakatira sa Canaan. 32Sasabihin ko rin sa kanya na nagpapastol kayo ng mga hayop, at dinala ninyo ang mga hayop ninyo at ang lahat ng ari-arian ninyo. 33Kaya kapag ipinatawag niya kayo at itinanong kung ano ang trabaho ninyo, 34sabihin nʼyo na nagpapastol kayo ng mga hayop mula pagkabata katulad ng mga magulang ninyo, para patirahin niya kayo sa Goshen. Sapagkat nasusuklam ang mga Egipcio sa mga nagpapastol ng hayop.”

Kasalukuyang Napili:

Genesis 46: ASND

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in