Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 24

24
Parurusahan ng Dios ang Mundo
1Makinig kayo! Wawasakin ng Panginoon ang mundo#24:1 ang mundo: o, ang lugar ng Canaan at ang mga lugar sa paligid nito. hanggang sa hindi na ito mapakinabangan at pangangalatin niya ang mga mamamayan nito. 2Iisa ang sasapitin ng lahat: pari man o mamamayan, amo man o alipin, nagtitinda man o bumibili, nagpapautang man o umuutang. 3Lubusang mawawasak ang mundo at walang matitira rito. Mangyayari nga ito dahil sinabi ng Panginoon. 4Matutuyo at titigas ang lupa. Manlulumo ang buong mundo pati na ang mga kilala at makapangyarihang tao. 5Ang mundo ay dinungisan ng mga mamamayan nito, dahil hindi nila sinunod ang Kautusan ng Dios at ang kanyang mga tuntunin. Nilabag nila ang walang hanggang kasunduan ng Dios sa kanila. 6Kaya isusumpa ng Dios ang mundo, at mananagot ang mga mamamayan nito dahil sa kanilang mga kasalanan. Susunugin sila at iilan lang ang matitira. 7Malalanta ang mga ubas, at mauubos ang katas nito. Ang mga nagsasaya ay malulungkot, 8at hindi na maririnig ang magagandang tugtugan ng mga tamburin at alpa, at ang hiyawan ng mga taong nagdiriwang. 9Mawawala ang awitan sa kanilang pag-iinuman, at ang inumin ay magiging mapait. 10Mawawasak ang lungsod at hindi na mapapakinabangan. Sasarhan ang mga pintuan ng bawat bahay para walang makapasok. 11Sisigaw ang mga tao sa lansangan, na naghahanap ng alak. Ang kanilang kaligayahan ay papalitan ng kalungkutan. Wala nang kasayahan sa mundo. 12Ang lungsod ay mananatiling wasak, pati ang mga pintuan nito. 13Iilan na lamang ang matitirang tao sa lahat ng bansa sa mundo, tulad ng olibo o ubas pagkatapos ng pitasan. 14Ang mga matitirang tao ay sisigaw sa kaligayahan. Ang mga nasa kanluran ay magpapahayag tungkol sa kapangyarihan ng Panginoon. 15Kaya nararapat ding purihin ng mga tao sa silangan at ng mga lugar na malapit sa dagat#24:15 mga lugar na malapit sa dagat o, mga isla; o, malalayong lugar. ang Panginoon, ang Dios ng Israel. 16Maririnig ang awitan kahit saang dako ng mundo, “Purihin ang matuwid na Dios.”
Pero nakakaawa ako. Akoʼy nanghihina! Sapagkat patuloy ang pagtataksil ng mga taong taksil. 17Kayong mga mamamayan ng mga bansa sa buong mundo, naghihintay sa inyo ang takot, hukay, at bitag. 18Ang tumatakas dahil sa takot ay mahuhulog sa hukay at mabibitag ang mga lumalabas dito.
Uulan nang malakas at mayayanig ang pundasyon ng lupa. 19Bibitak ang lupa at mabibiyak. 20At magpapasuray-suray ito na parang lasing at parang kubong gumagalaw-galaw sa ihip ng hangin. Ang lupa ay mabibigatan dahil sa kasalanan, at mawawasak ito at hindi na muling makakabangon.
21Sa araw na iyon, parurusahan ng Panginoon ang mga makapangyarihang nilalang sa langit,#24:21 makapangyarihang nilalang sa langit: o, mga sundalo sa matataas na lugar. pati ang mga hari rito sa mundo. 22Sama-sama silang ihuhulog sa hukay na katulad ng mga bilanggo. Ikukulong sila at saka parurusahan. 23Magdidilim ang araw at ang buwan dahil maghahari ang Panginoong Makapangyarihan sa Bundok ng Zion, sa Jerusalem. At doon mahahayag ang kanyang kapangyarihan sa harap ng mga tagapamahala ng kanyang mga mamamayan.

Kasalukuyang Napili:

Isaias 24: ASND

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in