Isaias 4
4
1Sa mga araw na iyon, pitong babae ang mag-aagawan sa isang lalaki at sasabihin nila, “Kami na ang bahala sa pagkain at damit namin, pakasalan mo lang kami para hindi kami kahiya-hiya dahil wala kaming asawa.”
Muling Pagpapalain ang Jerusalem
2Darating ang araw na pasasaganain at pagagandahin ng Panginoon ang mga pananim#4:2 mga pananim: sa literal, mga sanga. sa Israel, at ang mga ani ng lupain ay magiging karangalan at kaligayahan ng natitirang mga tao sa Jerusalem. 3Tatawaging banal ang mga natirang buhay sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem. 4Sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, hahatulan niya at lilinisin ang kasamaan ng mga babae sa Jerusalem at ang mga patayan doon. 5Pagkatapos, lilikha ang Panginoon ng ulap na lililim sa ibabaw ng Jerusalem#4:5 Jerusalem: sa Hebreo, Bundok ng Zion. at sa mga nagtitipon doon. Lilikha rin siya ng nagniningas na apoy na magbibigay ng liwanag kung gabi. Tatakip ito sa Jerusalem na parang isang malapad na tolda, 6at parang kubol na magsisilbing lilim sa init ng araw at kublihan sa panahon ng bagyo at ulan.
Kasalukuyang Napili:
Isaias 4: ASND
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.