Isaias 53:4-5
Isaias 53:4-5 ASD
Ang totoo, pinasan niya ang mga sakit natin, at tiniis ang mga pighating dapat sanaʼy ating dadanasin. Inakala nating siyaʼy pinarusahan ng Diyos, sinaktan at pinahirapan. Subalit, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; dinurog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ay nagdulot sa atin ng kapayapaan. At dahil sa kanyang mga sugat, tayoʼy may kagalingan.






