ISAIAS 53:4-5
ISAIAS 53:4-5 ABTAG01
Tunay na kanyang pinasan ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kalungkutan; gayunma'y ating itinuring siya na hinampas, sinaktan ng Diyos at pinahirapan. Ngunit siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway, siya'y binugbog dahil sa ating mga kasamaan; ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan, at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo.






