Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Santiago 2:14-17

Santiago 2:14-17 ASD

Mga kapatid, ano ba ang mapapala ng isang tao kung sabihin niyang mayroon siyang pananampalataya, ngunit wala naman siyang mabubuting gawa? Maliligtas ba siya ng ganyang pananampalataya? Halimbawa, walang maisuot at walang makain ang isang kapatid, at sasabihan mo, “Pagpalain ka ng Diyos at hindi ka sana ginawin at gutumin,” ngunit hindi mo naman siya binigyan ng kailangan niya, may nagawa ba itong mabuti? Ganito rin naman ang pananampalataya; kung hindi ito kinakikitaan ng mabuting gawa, wala itong kabuluhan.