Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

SANTIAGO 2:14-17

SANTIAGO 2:14-17 ABTAG01

Ano ang pakinabang mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinuman na siya'y may pananampalataya, ngunit walang mga gawa? Maililigtas ba siya ng kanyang pananampalataya? Kung ang isang kapatid na lalaki o babae ay namumuhay nang hubad at kinukulang sa pagkain sa araw-araw, at ang isa sa inyo ay magsabi sa kanila, “Humayo kayong payapa, magpainit kayo at magpakabusog,” subalit hindi ninyo sila binibigyan ng mga bagay na kailangan ng katawan; anong pakinabang niyon? Kaya't ang pananampalataya na nag-iisa, kung ito ay walang mga gawa ay patay.