Jeremias 45
45
Ang Mensahe para kay Baruc
1Noong ikaapat na taon ng paghahari ni Jehoyakim na anak ni Haring Josia ng Juda, isinulat ni Baruc ang mga sinabi ni Propeta Jeremias sa kanya. 2Sinabi ni Jeremias, “Baruc, ito ang sinabi sa iyo ng Panginoon, ang Dios ng Israel: 3‘Sinabi mong nakakaawa ka, dahil dinagdagan ng Panginoon ang paghihirap mo. Pagod ka na sa pagdaing at wala kang kapahingahan!’
4“Baruc, ito pa ang sinabi ng Panginoon, ‘Wawasakin ko ang bansang ito na itinayo ko. Bubunutin ko ang itinanim ko. At gagawin ko ito sa buong lupain. 5Huwag ka nang maghahangad pa ng mga dakilang bagay. Sapagkat pasasapitin ko ang kapahamakan sa lahat ng tao, pero ikaw ay ililigtas ko kahit saan ka pumunta. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”
Kasalukuyang Napili:
Jeremias 45: ASND
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.