Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Juan 2:1-11

Juan 2:1-11 ASD

Pagkalipas ng dalawang araw, may ginanap na kasalan sa bayan ng Cana na sakop ng Galilea. Naroon ang ina ni Hesus, at naimbitahan din sina Hesus at ang mga alagad niya. Nang maubos na ang alak sa handaan, sinabihan si Hesus ng kanyang ina, “Ubos na ang alak.” Sumagot si Hesus, “Ginang, wala itong kinalaman sa akin at sa iyo. Hindi pa po dumarating ang panahon ko.” Sinabi ng ina ni Hesus sa mga katulong, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.” May anim na tapayan doon na ginagamit ng mga Hudyo sa ritwal nilang paghuhugas. Ang bawat tapayan ay maaaring maglaman ng 75 hanggang 115 litrong tubig. Sinabi ni Hesus sa mga katulong, “Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan.” At pinuno nga nila ang mga ito. Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, “Sumalok kayo nang kaunti at dalhin sa namamahala ng handaan.” At dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan. Tinikman niya ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling (bagamaʼt alam ito ng mga katulong na sumalok ng tubig). Kaya ipinatawag niya ang lalaking ikinasal at sinabi, “Kadalasan, ang pinakamasarap na alak muna ang inihahain, at kapag marami nang nainom ang mga panauhin, saka naman inilalabas ang mababang uri. Ngunit ikaw, ngayon mo lang inilabas ang masarap na alak.” Ang nangyaring ito sa Cana ng Galilea ang unang himala na ginawa ni Hesus kung saan ipinakita niya ang kanyang kaluwalhatian, at sumampalataya sa kanya ang mga alagad niya.