Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Juan 2:1-11 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Juan 2:1-11 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Pagkalipas ng dalawang araw, may kasalan sa Cana sa Galilea, at naroon ang ina ni Jesus. Si Jesus at ang kanyang mga alagad ay inanyayahan din sa kasalan. Kinapos ng handang alak, kaya't sinabi ng ina ni Jesus sa kanya, “Anak, naubusan sila ng alak.” Sinabi ni Jesus, “Huwag po ninyo akong pangunahan, Ginang. Hindi pa po ito ang tamang panahon.” Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.” May anim na banga doon, ang bawat isa'y naglalaman ng pitumpu't lima hanggang 115 litro. Ang mga ito ay nakalaan para sa paghuhugas ayon sa tuntuning panrelihiyon ng mga Judio. Sinabi ni Jesus sa mga tumutulong doon, “Punuin ninyo ng tubig ang mga banga.” At pinuno nga nila ang mga banga. Pagkatapos, sinabi niya, “Kumuha kayo ng kaunti at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.” Dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan, at tinikman nito ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon, subalit alam ng mga sumalok ng tubig. Kaya't tinawag niya ang lalaking ikinasal at sinabi, “Ang masarap na alak ay unang inihahain; kapag marami nang nainom ang mga tao, saka inihahain ang mababang uri. Ngunit sa huli ninyo inilabas ang masarap na alak!” Ang nangyaring ito sa Cana sa Galilea ang unang himalang ginawa ni Jesus. Sa pamamagitan nito'y inihayag niya ang kanyang kapangyarihan at nanalig sa kanya ang mga alagad.

Juan 2:1-11 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Pagkalipas ng dalawang araw, may ginanap na kasalan sa bayan ng Cana na sakop ng Galilea. Naroon ang ina ni Hesus, at naimbitahan din sina Hesus at ang mga alagad niya. Nang maubos na ang alak sa handaan, sinabihan si Hesus ng kanyang ina, “Ubos na ang alak.” Sumagot si Hesus, “Ginang, wala itong kinalaman sa akin at sa iyo. Hindi pa po dumarating ang panahon ko.” Sinabi ng ina ni Hesus sa mga katulong, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.” May anim na tapayan doon na ginagamit ng mga Hudyo sa ritwal nilang paghuhugas. Ang bawat tapayan ay maaaring maglaman ng 75 hanggang 115 litrong tubig. Sinabi ni Hesus sa mga katulong, “Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan.” At pinuno nga nila ang mga ito. Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, “Sumalok kayo nang kaunti at dalhin sa namamahala ng handaan.” At dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan. Tinikman niya ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling (bagamaʼt alam ito ng mga katulong na sumalok ng tubig). Kaya ipinatawag niya ang lalaking ikinasal at sinabi, “Kadalasan, ang pinakamasarap na alak muna ang inihahain, at kapag marami nang nainom ang mga panauhin, saka naman inilalabas ang mababang uri. Ngunit ikaw, ngayon mo lang inilabas ang masarap na alak.” Ang nangyaring ito sa Cana ng Galilea ang unang himala na ginawa ni Hesus kung saan ipinakita niya ang kanyang kaluwalhatian, at sumampalataya sa kanya ang mga alagad niya.

Ibahagi
Juan 2 ASD

Juan 2:1-11 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Pagkalipas ng dalawang araw, may kasalan sa Cana sa Galilea, at naroon ang ina ni Jesus. Si Jesus at ang kanyang mga alagad ay inanyayahan din sa kasalan. Kinapos ng handang alak, kaya't sinabi ng ina ni Jesus sa kanya, “Anak, naubusan sila ng alak.” Sinabi ni Jesus, “Huwag po ninyo akong pangunahan, Ginang. Hindi pa po ito ang tamang panahon.” Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.” May anim na banga doon, ang bawat isa'y naglalaman ng pitumpu't lima hanggang 115 litro. Ang mga ito ay nakalaan para sa paghuhugas ayon sa tuntuning panrelihiyon ng mga Judio. Sinabi ni Jesus sa mga tumutulong doon, “Punuin ninyo ng tubig ang mga banga.” At pinuno nga nila ang mga banga. Pagkatapos, sinabi niya, “Kumuha kayo ng kaunti at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.” Dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan, at tinikman nito ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon, subalit alam ng mga sumalok ng tubig. Kaya't tinawag niya ang lalaking ikinasal at sinabi, “Ang masarap na alak ay unang inihahain; kapag marami nang nainom ang mga tao, saka inihahain ang mababang uri. Ngunit sa huli ninyo inilabas ang masarap na alak!” Ang nangyaring ito sa Cana sa Galilea ang unang himalang ginawa ni Jesus. Sa pamamagitan nito'y inihayag niya ang kanyang kapangyarihan at nanalig sa kanya ang mga alagad.

Juan 2:1-11 TLAB (Ang Biblia)

At nang ikatlong araw ay nagkaroon ng isang kasalan sa Cana ng Galilea; at naroon ang ina ni Jesus: At inanyayahan din naman si Jesus, at ang kaniyang mga alagad, sa kasalan. At nang magkulang ng alak, ang ina ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Wala silang alak. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Babae, anong pakialam ko sa iyo? ang aking oras ay hindi pa dumarating. Sinabi ng kaniyang ina sa mga alila, Gawin ninyo ang anomang sa inyo'y kaniyang sabihin. Mayroon nga roong anim na tapayang bato na nalalagay alinsunod sa kaugaliang paglilinis ng mga Judio, na naglalaman ang bawa't isa ng dalawa o tatlong bangang tubig. Sinabi sa kanila ni Jesus, Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan. At kanilang pinuno hanggang sa labi. At sinabi niya sa kanila, Kunin ninyo ngayon, at inyong iharap sa pangulo ng kapistahan. At kanilang iniharap. At nang matikman ng pangulo ng kapistahan ang tubig na naging alak nga, at hindi niya nalalaman kung saan buhat (datapuwa't nalalaman ng mga alila na nagsikuha ng tubig), ay tinawag ng pangulo ng kapistahan ang kasintahang lalake, At sinabi sa kaniya, Ang bawa't tao ay unang inilalagay ang mabuting alak; at kung mangakainom nang mabuti ang mga tao, ay saka inilalagay ang pinakamasama: itinira mo ang mabuting alak hanggang ngayon. Ang pasimulang ito ng kaniyang mga tanda ay ginawa ni Jesus sa Cana ng Galilea, at inihayag ang kaniyang kaluwalhatian; at nagsisampalataya sa kaniya ang kaniyang mga alagad.

Juan 2:1-11 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))