“Ngayon, Job, pakinggan mong mabuti ang sasabihin ko sa iyo. Handang-handa na akong magsalita, at ang mga sasabihin koʼy nasa dulo na ng aking dila. Ang sasabihin koʼy mula sa tapat kong puso at tuwiran kong sasabihin ang aking nalalaman. Ang espiritu ng Makapangyarihang Dios ang gumawa sa akin at nagbigay buhay. Sagutin mo ako, kung kaya mo. Ihanda mo ang iyong katuwiran at harapin ako. Pareho lang tayo sa harapan ng Dios. Tulad mo rin akong nagmula sa lupa. Kaya huwag kang matakot sa akin at huwag mong isipin na aapihin kita. “Narinig ko ang mga sinabi mo. Sinabi mong, ‘Wala akong kasalanan. Malinis ako at walang ginawang masama. Pero naghahanap ang Dios ng dahilan para akoʼy pahirapan. Itinuturing niya akong kaaway. Kinadenahan niya ang mga paa ko at binabantayan ang lahat ng kilos ko.’ “Pero Job, mali ka sa mga sinabi mo. Hindi baʼt ang Dios ay higit kaysa sa tao? Bakit mo siya pinararatangan na hindi niya sinasagot ang daing ng tao? Ang totoo, palaging nagsasalita ang Dios, kaya lang hindi nakikinig ang mga tao. Nagsasalita siya sa pamamagitan ng panaginip o ng pangitain habang ang taoʼy natutulog ng mahimbing sa gabi. Bumubulong siya sa mga tainga nila para magbigay ng babala, at ito ang nakapagpatakot sa kanila. Ginagawa niya ito para pigilan sila sa paggawa ng kasalanan at pagmamataas, at para mailigtas sila sa kamatayan. Kung minsan naman, itinutuwid ng Dios ang tao sa pamamagitan ng sakit tulad ng walang tigil na pananakit ng buto, at nawawalan siya ng ganang kainin kahit na ang pinakamasasarap na pagkain. Kaya pumapayat siya, at nagiging butoʼt balat na lamang. Malapit na siyang mamatay at mapunta sa lugar ng mga patay. “Pero kung may kahit isa man sa isang libong anghel na mamamagitan sa kanya at sa Dios, at sasabihing siya ay matuwid, kahahabagan siya ng Dios. At sasabihin ng Dios, ‘Iligtas nʼyo siya sa kamatayan. Nakatagpo ako ng pantubos sa kanya.’ Muli siyang magiging malusog. Lalakas siya tulad noong kanyang kabataan. At kapag nanalangin siya sa Dios, sasagutin siya ng Dios at masayang tatanggapin, ibabalik ng Dios ang matuwid niyang pamumuhay. Pagkatapos, sasabihin niya sa mga tao, ‘Nagkasala ako at gumawa ng hindi tama, pero hindi ko natanggap ang parusang nararapat sa akin. Iniligtas niya ako sa kamatayan at patuloy akong nabubuhay.’ “Oo, lagi itong ginagawa ng Dios sa tao. Inililigtas niya ang tao sa kamatayan para mabuhay ito.
Basahin Job 33
Makinig sa Job 33
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Job 33:1-30
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas