Job 33:1-30
Job 33:1-30 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“At ngayon, Job, makinig ka sa aking sasabihin, at mga salita ko'y bigyan mo ng pansin. Sasabihin ko na ang laman ng aking isipan, lahat ng ilalahad ko ay pawang katapatan, lahat ng ihahayag ay pawang katotohanan. Ang Espiritu ng Diyos ang gumawa sa akin, buhay na taglay ko ay sa Makapangyarihang Diyos nanggaling. “Kung kaya mo'y sagutin mo itong aking sasabihin, ang iyong mga katuwiran ay ihanda mo na rin. Ikaw at ako'y iisa sa harap ng Diyos natin, parehong sa putik tayo nanggaling. Kaya sa aki'y wala kang dapat alalahanin, huwag mong isiping ika'y aking gagapiin. “Ito ang narinig kong sinabi mo: ‘Ako'y malinis at walang nagawang kasalanan, ako'y walang sala at walang kasamaan. Gumagawa lamang ang Diyos ng dahilan upang ako'y parusahan, at itinuturing niya akong isang kaaway. Mga paa ko ay kanyang iginapos, at binabantayan ang aking mga kilos.’ “Ngunit ang sagot ko nama'y nagkakamali ka, Job, sapagkat sa sinumang tao ay mas dakila ang Diyos. Bakit ang Diyos ay iyong pinagbibintangan na di marunong makinig sa iyong karaingan? Magsalita man siya sa iba't ibang paraan, hindi pa rin natin ito lubos na mauunawaan. Nagsasalita siya sa panaginip at pangitain, sa kalaliman ng gabi, kapag ang tao'y nahihimbing. Ipinapaunawa niya ang kanyang saloobin, nagbibigay ng babala sa kanilang pangitain. Nagsasalita ang Diyos upang sila ay pigilan sa paggawa ng masama at sa kapalaluan. Hindi nais ng Diyos na sila'y mamatay kaya sila'y iniligtas niya mula sa hukay. Pinadadalhan niya ang tao ng iba't ibang sakit, upang sa pamamagitan ng kirot ang tao'y maituwid. Ang taong may sakit ay walang panlasa, masarap man ang pagkain, wala pa ring gana. Nauubos ang kanyang laman, natitira'y buto't balat na lamang. At parang handang handa nang pumunta sa daigdig ng mga patay. “O baka siya'y tulungan ng isa sa libong mga anghel, na nagpapaalala sa tao ng kanyang mga tungkulin. Maaaring itong anghel na puspos ng kahabagan, ay magsabi ng ganito: ‘Siya ay pawalan, hindi siya dapat humantong sa libingan, narito ang bayad para sa kanyang kalayaan.’ Siya ay gagaling, muling sisigla; tataglayin muli ang lakas noong kabataan niya. Mananalangin siya sa Diyos at siya'y papakinggan. Ang pagsamba niya'y mapupuno ng kasiyahan, muli siyang ilalagay ng Diyos sa mabuting katayuan. Sasabihin niya sa madla, ‘Sa Diyos ako'y nagkasala, walang matuwid na nagawa subalit pinatawad niya.’ Hindi niya itinulot na ako'y mamatay, magpahanggang ngayon ako'y nabubuhay. Hindi lang minsan na ito'y ginawa ng Diyos, na iligtas ang tao sa kanyang pagkakalugmok, at ang buhay nito'y punuin ng lugod.
Job 33:1-30 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Ngayon, Job, pakinggan mong mabuti ang sasabihin ko sa iyo. Handang-handa na akong magsalita, at ang mga sasabihin koʼy nasa dulo na ng aking dila. Ang sasabihin koʼy mula sa tapat kong puso at tuwiran kong sasabihin ang aking nalalaman. Ang espiritu ng Makapangyarihang Dios ang gumawa sa akin at nagbigay buhay. Sagutin mo ako, kung kaya mo. Ihanda mo ang iyong katuwiran at harapin ako. Pareho lang tayo sa harapan ng Dios. Tulad mo rin akong nagmula sa lupa. Kaya huwag kang matakot sa akin at huwag mong isipin na aapihin kita. “Narinig ko ang mga sinabi mo. Sinabi mong, ‘Wala akong kasalanan. Malinis ako at walang ginawang masama. Pero naghahanap ang Dios ng dahilan para akoʼy pahirapan. Itinuturing niya akong kaaway. Kinadenahan niya ang mga paa ko at binabantayan ang lahat ng kilos ko.’ “Pero Job, mali ka sa mga sinabi mo. Hindi baʼt ang Dios ay higit kaysa sa tao? Bakit mo siya pinararatangan na hindi niya sinasagot ang daing ng tao? Ang totoo, palaging nagsasalita ang Dios, kaya lang hindi nakikinig ang mga tao. Nagsasalita siya sa pamamagitan ng panaginip o ng pangitain habang ang taoʼy natutulog ng mahimbing sa gabi. Bumubulong siya sa mga tainga nila para magbigay ng babala, at ito ang nakapagpatakot sa kanila. Ginagawa niya ito para pigilan sila sa paggawa ng kasalanan at pagmamataas, at para mailigtas sila sa kamatayan. Kung minsan naman, itinutuwid ng Dios ang tao sa pamamagitan ng sakit tulad ng walang tigil na pananakit ng buto, at nawawalan siya ng ganang kainin kahit na ang pinakamasasarap na pagkain. Kaya pumapayat siya, at nagiging butoʼt balat na lamang. Malapit na siyang mamatay at mapunta sa lugar ng mga patay. “Pero kung may kahit isa man sa isang libong anghel na mamamagitan sa kanya at sa Dios, at sasabihing siya ay matuwid, kahahabagan siya ng Dios. At sasabihin ng Dios, ‘Iligtas nʼyo siya sa kamatayan. Nakatagpo ako ng pantubos sa kanya.’ Muli siyang magiging malusog. Lalakas siya tulad noong kanyang kabataan. At kapag nanalangin siya sa Dios, sasagutin siya ng Dios at masayang tatanggapin, ibabalik ng Dios ang matuwid niyang pamumuhay. Pagkatapos, sasabihin niya sa mga tao, ‘Nagkasala ako at gumawa ng hindi tama, pero hindi ko natanggap ang parusang nararapat sa akin. Iniligtas niya ako sa kamatayan at patuloy akong nabubuhay.’ “Oo, lagi itong ginagawa ng Dios sa tao. Inililigtas niya ang tao sa kamatayan para mabuhay ito.
Job 33:1-30 Ang Biblia (TLAB)
Gayon man, Job, isinasamo ko sa iyo na, dinggin mo ang aking pananalita, at pakinggan mo ang lahat ng aking mga salita. Narito, ngayon ay aking ibinuka ang aking bibig; nagsalita ang aking dila sa aking bibig. Sasaysayin ng aking mga salita ang katuwiran ng aking puso; at ang nalalaman ng aking mga labi ay sasalitaing may pagtatapat. Nilalang ako ng Espiritu ng Dios, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay. Kung ikaw ay makasasagot ay sumagot ka sa akin; ayusin mo ang iyong mga salita sa harap ko, tumayo ka. Narito, ako'y sa Dios na gaya mo: ako ma'y nilalang mula rin sa putik. Narito, hindi ka tatakutin ng aking kakilabutan, ni ang aking kalakhan man ay magiging mabigat sa iyo. Tunay na ikaw ay nagsalita sa aking pakinig, at aking narinig ang tinig ng iyong mga salita, na nagsasabi, Ako'y malinis na walang pagsalangsang; ako'y walang sala, ni may kasamaan man sa akin: Narito, siya'y nakasumpong ng kadahilanan laban sa akin, ibinilang niya ako na pinakakaaway: Inilagay niya ang aking mga paa sa mga pangawan, kaniyang pinupuna ang lahat na aking landas. Narito, ako'y sasagot sa iyo, dito'y hindi ka ganap; sapagka't ang Dios ay dakila kay sa tao. Bakit ka nakikilaban sa kaniya? Sapagka't hindi siya nagbibigay alam ng anoman sa kaniyang mga usap. Sapagka't ang Dios ay minsang nagsasalita, Oo, makalawa, bagaman hindi pinakikinggan ng tao. Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi, pagka ang mahimbing na pagkakatulog ay nahuhulog sa mga tao, sa mga pagkakatulog sa higaan; Kung magkagayo'y ibinubukas niya ang mga pakinig ng mga tao, at itinatatak ang kanilang turo, Upang ihiwalay ang tao sa kaniyang panukala, at ikubli ang kapalaluan sa tao; Kaniyang pinipigil ang kaniyang kaluluwa sa pagbulusok sa hukay, at ang kaniyang buhay sa pagkamatay sa pamamagitan ng tabak. Siya nama'y pinarurusahan ng sakit sa kaniyang higaan, at ng palaging antak sa kaniyang mga buto: Na anopa't kinayayamutan ng kaniyang buhay ang tinapay, at ng kaniyang kaluluwa ang pagkaing pinakamasarap, Ang kaniyang laman ay natutunaw, na hindi makita; at ang kaniyang mga buto na hindi nakita ay nangalilitaw. Oo, ang kaniyang kaluluwa ay nalalapit sa hukay, at ang kaniyang buhay sa mga mangwawasak. Kung doroong kasama niya ang isang anghel, isang tagapagpaaninaw, na isa sa gitna ng isang libo, upang ipakilala sa tao kung ano ang matuwid sa kaniya; Kung magkagayo'y binibiyayaan niya siya at nagsasabi, Iligtas mo siya sa pagbaba sa hukay, ako'y nakasumpong ng katubusan. Ang kaniyang laman ay magiging sariwa kay sa laman ng isang bata; siya'y bumabalik sa mga kaarawan ng kaniyang kabataan: Siya'y dumadalangin sa Dios, at nililingap niya siya: na anopa't kaniyang nakikita ang kaniyang mukha na may kagalakan: at kaniyang isinasa tao ang kaniyang katuwiran. Siya'y umaawit sa harap ng mga tao, at nagsasabi, Ako'y nagkasala, at sumira ng matuwid, at hindi ko napakinabangan: Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa pagyao sa hukay, at ang aking buhay ay makakakita ng liwanag. Narito, ang lahat ng mga bagay na ito ay gawa ng Dios, makalawa, oo, makaitlo sa tao, Upang ibalik ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay, upang siya'y maliwanagan ng liwanag ng buhay.
Job 33:1-30 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“At ngayon, Job, makinig ka sa aking sasabihin, at mga salita ko'y bigyan mo ng pansin. Sasabihin ko na ang laman ng aking isipan, lahat ng ilalahad ko ay pawang katapatan, lahat ng ihahayag ay pawang katotohanan. Ang Espiritu ng Diyos ang gumawa sa akin, buhay na taglay ko ay sa Makapangyarihang Diyos nanggaling. “Kung kaya mo'y sagutin mo itong aking sasabihin, ang iyong mga katuwiran ay ihanda mo na rin. Ikaw at ako'y iisa sa harap ng Diyos natin, parehong sa putik tayo nanggaling. Kaya sa aki'y wala kang dapat alalahanin, huwag mong isiping ika'y aking gagapiin. “Ito ang narinig kong sinabi mo: ‘Ako'y malinis at walang nagawang kasalanan, ako'y walang sala at walang kasamaan. Gumagawa lamang ang Diyos ng dahilan upang ako'y parusahan, at itinuturing niya akong isang kaaway. Mga paa ko ay kanyang iginapos, at binabantayan ang aking mga kilos.’ “Ngunit ang sagot ko nama'y nagkakamali ka, Job, sapagkat sa sinumang tao ay mas dakila ang Diyos. Bakit ang Diyos ay iyong pinagbibintangan na di marunong makinig sa iyong karaingan? Magsalita man siya sa iba't ibang paraan, hindi pa rin natin ito lubos na mauunawaan. Nagsasalita siya sa panaginip at pangitain, sa kalaliman ng gabi, kapag ang tao'y nahihimbing. Ipinapaunawa niya ang kanyang saloobin, nagbibigay ng babala sa kanilang pangitain. Nagsasalita ang Diyos upang sila ay pigilan sa paggawa ng masama at sa kapalaluan. Hindi nais ng Diyos na sila'y mamatay kaya sila'y iniligtas niya mula sa hukay. Pinadadalhan niya ang tao ng iba't ibang sakit, upang sa pamamagitan ng kirot ang tao'y maituwid. Ang taong may sakit ay walang panlasa, masarap man ang pagkain, wala pa ring gana. Nauubos ang kanyang laman, natitira'y buto't balat na lamang. At parang handang handa nang pumunta sa daigdig ng mga patay. “O baka siya'y tulungan ng isa sa libong mga anghel, na nagpapaalala sa tao ng kanyang mga tungkulin. Maaaring itong anghel na puspos ng kahabagan, ay magsabi ng ganito: ‘Siya ay pawalan, hindi siya dapat humantong sa libingan, narito ang bayad para sa kanyang kalayaan.’ Siya ay gagaling, muling sisigla; tataglayin muli ang lakas noong kabataan niya. Mananalangin siya sa Diyos at siya'y papakinggan. Ang pagsamba niya'y mapupuno ng kasiyahan, muli siyang ilalagay ng Diyos sa mabuting katayuan. Sasabihin niya sa madla, ‘Sa Diyos ako'y nagkasala, walang matuwid na nagawa subalit pinatawad niya.’ Hindi niya itinulot na ako'y mamatay, magpahanggang ngayon ako'y nabubuhay. Hindi lang minsan na ito'y ginawa ng Diyos, na iligtas ang tao sa kanyang pagkakalugmok, at ang buhay nito'y punuin ng lugod.
Job 33:1-30 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Gayon man, Job, isinasamo ko sa iyo na, dinggin mo ang aking pananalita, At pakinggan mo ang lahat ng aking mga salita. Narito, ngayon ay aking ibinuka ang aking bibig; Nagsalita ang aking dila sa aking bibig. Sasaysayin ng aking mga salita ang katuwiran ng aking puso; At ang nalalaman ng aking mga labi ay sasalitaing may pagtatapat. Nilalang ako ng Espiritu ng Dios, At ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay. Kung ikaw ay makasasagot ay sumagot ka sa akin; Ayusin mo ang iyong mga salita sa harap ko, tumayo ka. Narito, ako'y sa Dios na gaya mo: Ako ma'y nilalang mula rin sa putik. Narito, hindi ka tatakutin ng aking kakilabutan, Ni ang aking kalakhan man ay magiging mabigat sa iyo. Tunay na ikaw ay nagsalita sa aking pakinig, At aking narinig ang tinig ng iyong mga salita, na nagsasabi, Ako'y malinis na walang pagsalangsang; Ako'y walang sala, ni may kasamaan man sa akin: Narito, siya'y nakasumpong ng kadahilanan laban sa akin, Ibinilang niya ako na pinakakaaway: Inilagay niya ang aking mga paa sa mga pangawan, Kaniyang pinupuna ang lahat na aking landas. Narito, ako'y sasagot sa iyo, dito'y hindi ka ganap; Sapagka't ang Dios ay dakila kay sa tao. Bakit ka nakikilaban sa kaniya? Sapagka't hindi siya nagbibigay alam ng anoman sa kaniyang mga usap. Sapagka't ang Dios ay minsang nagsasalita, Oo, makalawa, bagaman hindi pinakikinggan ng tao. Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi, Pagka ang mahimbing na pagkakatulog ay nahuhulog sa mga tao, Sa mga pagkakatulog sa higaan; Kung magkagayo'y ibinubukas niya ang mga pakinig ng mga tao, At itinatatak ang kanilang turo, Upang ihiwalay ang tao sa kaniyang panukala, At ikubli ang kapalaluan sa tao; Kaniyang pinipigil ang kaniyang kaluluwa sa pagbulusok sa hukay, At ang kaniyang buhay sa pagkamatay sa pamamagitan ng tabak. Siya nama'y pinarurusahan ng sakit sa kaniyang higaan, At ng palaging antak sa kaniyang mga buto: Na anopa't kinayayamutan ng kaniyang buhay ang tinapay, At ng kaniyang kaluluwa ang pagkaing pinakamasarap, Ang kaniyang laman ay natutunaw, na hindi makita; At ang kaniyang mga buto na hindi nakita ay nangalilitaw. Oo, ang kaniyang kaluluwa ay nalalapit sa hukay, At ang kaniyang buhay sa mga mangwawasak. Kung doroong kasama niya ang isang anghel, Isang tagapagpaaninaw, na isa sa gitna ng isang libo, Upang ipakilala sa tao kung ano ang matuwid sa kaniya; Kung magkagayo'y binibiyayaan niya siya at nagsasabi, Iligtas mo siya sa pagbaba sa hukay, Ako'y nakasumpong ng katubusan. Ang kaniyang laman ay magiging sariwa kay sa laman ng isang bata; Siya'y bumabalik sa mga kaarawan ng kaniyang kabataan: Siya'y dumadalangin sa Dios, at nililingap niya siya: Na anopa't kaniyang nakikita ang kaniyang mukha na may kagalakan: At kaniyang isinasa tao ang kaniyang katuwiran. Siya'y umaawit sa harap ng mga tao, at nagsasabi, Ako'y nagkasala, at sumira ng matuwid, At hindi ko napakinabangan: Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa pagyao sa hukay, At ang aking buhay ay makakakita ng liwanag. Narito, ang lahat ng mga bagay na ito ay gawa ng Dios, Makalawa, oo, makaitlo sa tao, Upang ibalik ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay, Upang siya'y maliwanagan ng liwanag ng buhay.