Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 33

33
Pinagsabihan ni Elihu si Job
1“At ngayon, Job, makinig ka sa aking sasabihin,
at mga salita ko'y bigyan mo ng pansin.
2Sasabihin ko na ang laman ng aking isipan,
3lahat ng ilalahad ko ay pawang katapatan,
lahat ng ihahayag ay pawang katotohanan.
4Ang Espiritu ng Diyos ang gumawa sa akin,
buhay na taglay ko ay sa Makapangyarihang Diyos nanggaling.
5“Kung kaya mo'y sagutin mo itong aking sasabihin,
ang iyong mga katuwiran ay ihanda mo na rin.
6Ikaw at ako'y iisa sa harap ng Diyos natin,
parehong sa putik tayo nanggaling.
7Kaya sa aki'y wala kang dapat alalahanin,
huwag mong isiping ika'y aking gagapiin.
8“Ito ang narinig kong sinabi mo:
9‘Ako'y malinis at walang nagawang kasalanan,
ako'y walang sala at walang kasamaan.
10Gumagawa lamang ang Diyos ng dahilan upang ako'y parusahan,
at itinuturing niya akong isang kaaway.
11Mga#Job 13:27. paa ko ay kanyang iginapos,
at binabantayan ang aking mga kilos.’
12“Ngunit ang sagot ko nama'y nagkakamali ka, Job,
sapagkat sa sinumang tao ay mas dakila ang Diyos.
13Bakit ang Diyos ay iyong pinagbibintangan
na di marunong makinig sa iyong karaingan?
14Magsalita man siya sa iba't ibang paraan,
hindi pa rin natin ito lubos na mauunawaan.
15Nagsasalita#Job 4:13. siya sa panaginip at pangitain,
sa kalaliman ng gabi, kapag ang tao'y nahihimbing.
16Ipinapaunawa niya ang kanyang saloobin,
nagbibigay ng babala sa kanilang pangitain.
17Nagsasalita ang Diyos upang sila ay pigilan
sa paggawa ng masama at sa kapalaluan.
18Hindi nais ng Diyos na sila'y mamatay
kaya sila'y iniligtas niya mula sa hukay.
19Pinadadalhan niya ang tao ng iba't ibang sakit,
upang sa pamamagitan ng kirot ang tao'y maituwid.
20Ang taong may sakit ay walang panlasa,
masarap man ang pagkain, wala pa ring gana.
21Nauubos ang kanyang laman,
natitira'y buto't balat na lamang.
22At parang handang handa nang pumunta sa daigdig ng mga patay.
23“O baka siya'y tulungan ng isa sa libong mga anghel,
na nagpapaalala sa tao ng kanyang mga tungkulin.
24Maaaring itong anghel na puspos ng kahabagan, ay magsabi ng ganito: ‘Siya ay pawalan,
hindi siya dapat humantong sa libingan,
narito ang bayad para sa kanyang kalayaan.’
25Siya ay gagaling, muling sisigla; tataglayin muli ang lakas noong kabataan niya.
26Mananalangin siya sa Diyos at siya'y papakinggan.
Ang pagsamba niya'y mapupuno ng kasiyahan,
muli siyang ilalagay ng Diyos sa mabuting katayuan.
27Sasabihin niya sa madla, ‘Sa Diyos ako'y nagkasala,
walang matuwid na nagawa subalit pinatawad niya.’
28Hindi niya itinulot na ako'y mamatay,
magpahanggang ngayon ako'y nabubuhay.
29Hindi lang minsan na ito'y ginawa ng Diyos,
30na iligtas ang tao sa kanyang pagkakalugmok,
at ang buhay nito'y punuin ng lugod.
31“Job, tumahimik ka at makinig nang mabuti,
pakinggan mo't unawain itong aking sinasabi.
32Kung mayroon ka namang nais sabihin, huwag mag-atubili't papakinggan ko rin,
at kung may katuwiran ka'y aking tatanggapin.
33Kung wala naman, makinig ka na lang,
manahimik ka't, ika'y aking tuturuan.”

Kasalukuyang Napili:

Job 33: MBB05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in