Nagsasalita siya sa panaginip at pangitain,
sa kalaliman ng gabi, kapag ang tao'y nahihimbing.
Ipinapaunawa niya ang kanyang saloobin,
nagbibigay ng babala sa kanilang pangitain.
Nagsasalita ang Diyos upang sila ay pigilan
sa paggawa ng masama at sa kapalaluan.
Hindi nais ng Diyos na sila'y mamatay
kaya sila'y iniligtas niya mula sa hukay.