Job 33:15-18
Job 33:15-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nagsasalita siya sa panaginip at pangitain, sa kalaliman ng gabi, kapag ang tao'y nahihimbing. Ipinapaunawa niya ang kanyang saloobin, nagbibigay ng babala sa kanilang pangitain. Nagsasalita ang Diyos upang sila ay pigilan sa paggawa ng masama at sa kapalaluan. Hindi nais ng Diyos na sila'y mamatay kaya sila'y iniligtas niya mula sa hukay.
Job 33:15-18 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nagsasalita siya sa pamamagitan ng panaginip o ng pangitain habang ang taoʼy natutulog ng mahimbing sa gabi. Bumubulong siya sa mga tainga nila para magbigay ng babala, at ito ang nakapagpatakot sa kanila. Ginagawa niya ito para pigilan sila sa paggawa ng kasalanan at pagmamataas, at para mailigtas sila sa kamatayan.
Job 33:15-18 Ang Biblia (TLAB)
Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi, pagka ang mahimbing na pagkakatulog ay nahuhulog sa mga tao, sa mga pagkakatulog sa higaan; Kung magkagayo'y ibinubukas niya ang mga pakinig ng mga tao, at itinatatak ang kanilang turo, Upang ihiwalay ang tao sa kaniyang panukala, at ikubli ang kapalaluan sa tao; Kaniyang pinipigil ang kaniyang kaluluwa sa pagbulusok sa hukay, at ang kaniyang buhay sa pagkamatay sa pamamagitan ng tabak.
Job 33:15-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nagsasalita siya sa panaginip at pangitain, sa kalaliman ng gabi, kapag ang tao'y nahihimbing. Ipinapaunawa niya ang kanyang saloobin, nagbibigay ng babala sa kanilang pangitain. Nagsasalita ang Diyos upang sila ay pigilan sa paggawa ng masama at sa kapalaluan. Hindi nais ng Diyos na sila'y mamatay kaya sila'y iniligtas niya mula sa hukay.
Job 33:15-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi, Pagka ang mahimbing na pagkakatulog ay nahuhulog sa mga tao, Sa mga pagkakatulog sa higaan; Kung magkagayo'y ibinubukas niya ang mga pakinig ng mga tao, At itinatatak ang kanilang turo, Upang ihiwalay ang tao sa kaniyang panukala, At ikubli ang kapalaluan sa tao; Kaniyang pinipigil ang kaniyang kaluluwa sa pagbulusok sa hukay, At ang kaniyang buhay sa pagkamatay sa pamamagitan ng tabak.