Jonas 3:1-4
Jonas 3:1-4 ASD
Muling nagsalita ang Panginoon kay Jonas. Sinabi niya, “Pumunta ka agad sa Nineve, ang malaking lungsod, at sabihin mo sa mga tagaroon ang ipinasasabi ko sa iyo.” Pumunta agad si Jonas sa Nineve ayon sa sinabi ng Panginoon. Malaking lungsod ang Nineve; aabutin ng tatlong araw kung ito ay lalakarin. Pumasok si Jonas sa lungsod. Pagkatapos ng maghapong paglalakad, sinabi niya sa mga tagaroon, “May apatnapung araw na lamang ang natitira at wawasakin na ang Nineve.”


