Jonas 3:1-4 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Jonas 3:1-4 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Muling sinabi ni Yahweh kay Jonas, “Pumunta ka sa Lunsod ng Nineve at ipahayag mo ang mga ipinapasabi ko sa iyo.” Nagpunta nga si Jonas sa Nineve. Malaki ang lunsod na ito; aabutin ng tatlong araw kung ito ay lalakarin. Siya'y pumasok sa lunsod. Pagkaraan ng maghapong paglalakad, malakas niyang ipinahayag, “Gugunawin ang Nineve pagkaraan ng apatnapung araw!”
Jonas 3:1-4 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Muling nagsalita ang PANGINOON kay Jonas. Sinabi niya, “Pumunta ka agad sa Nineve, ang malaking lungsod, at sabihin mo sa mga tagaroon ang ipinasasabi ko sa iyo.” Pumunta agad si Jonas sa Nineve ayon sa sinabi ng PANGINOON. Malaking lungsod ang Nineve; aabutin ng tatlong araw kung ito ay lalakarin. Pumasok si Jonas sa lungsod. Pagkatapos ng maghapong paglalakad, sinabi niya sa mga tagaroon, “May apatnapung araw na lamang ang natitira at wawasakin na ang Nineve.”
Jonas 3:1-4 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Muling sinabi ni Yahweh kay Jonas, “Pumunta ka sa Lunsod ng Nineve at ipahayag mo ang mga ipinapasabi ko sa iyo.” Nagpunta nga si Jonas sa Nineve. Malaki ang lunsod na ito; aabutin ng tatlong araw kung ito ay lalakarin. Siya'y pumasok sa lunsod. Pagkaraan ng maghapong paglalakad, malakas niyang ipinahayag, “Gugunawin ang Nineve pagkaraan ng apatnapung araw!”
Jonas 3:1-4 TLAB (Ang Biblia)
At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jonas na ikalawa, na nagsasabi, Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at ipangaral mo ang pangaral na aking iniutos sa iyo. Sa gayo'y bumangon si Jonas, at naparoon sa Ninive, ayon sa salita ng Panginoon. Ang Ninive nga ay totoong malaking bayan, na tatlong araw na lakarin. At pumasok si Jonas sa bayan na may isang araw na gumagala, at siya'y sumigaw, at nagsasabi, Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak.
Jonas 3:1-4 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))