May isang tao roon sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Matuwid siya, may takot sa Diyos, at sumasakanya ang Banal na Espiritu. Hinihintay niya ang pagdating ng Mesias na magliligtas sa Israel. Ipinahayag sa kanya ng Banal na Espiritu na hindi siya mamamatay hanggaʼt hindi niya nakikita ang Mesias na ipinangako ng Panginoon. Nang araw na iyon, sa patnubay ng Espiritu ay pumunta siya sa templo. At nang dalhin doon nina Maria at Jose ang sanggol na si Hesus para ihandog sa Panginoon ayon sa Kautusan, kinarga ito ni Simeon at nagpuri sa Diyos. Sinabi niya: “Ngayon, Panginoon, maaari na po akong pumanaw nang payapa dahil natupad na ang pangako nʼyo sa akin na inyong lingkod. Dahil nakita na ng aking mga mata ang Tagapagligtas, na inihanda ninyo para sa lahat ng tao. Siya ang ilaw na magbibigay-liwanag sa isipan ng mga Hentil na hindi nakakakilala sa inyo, at magbibigay-dangal sa inyong bayang Israel.”
Basahin Lucas 2
Makinig sa Lucas 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Lucas 2:25-32
5 Mga Araw
Ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng mundo ay nang magkatawang-tao at manirahan sa atin si Jesus, ang Ilaw ng Sanlibutan. Ipinahayag ng mga anghel ang kanyang pagdating, may mga tulang naisulat, nagtakbuhan ang mga pastol, at si Maria ay umawit! Samahan ninyo kami sa limang araw na pag-aaral at pagkilala sa Kanyang liwanag—kung paano ito naging inspirasyon sa mga nakapaligid sa Kanya at ano ang epekto nito sa atin ngayon.
7 Araw
Sa susunod na limang araw, pag-aaralan natin ang regalo ng Diyos na na kay Hesukristo at ihahanda natin ang ating mga sarili para maging instrumento ng Diyos upang ipahayag at ibahagi sa iba ang pinakamahalagang regalong matatanggap nating lahat.
25 Days
Christmas is truly the greatest story ever told: one of God’s perfect faithfulness, power, salvation, and unfailing love. Let’s take a journey over the next 25 days to discover God’s intricate plan to save the world from sin and the promises fulfilled in the birth of His Son.
29 Araw
Ipinaalam ng mga nakasaksi ang mabuting balita na sinabi ni Lucas tungkol sa kuwento ni Jesus mula sa pagsilang hanggang sa kamatayan hanggang sa pagkabuhay-muli; Isinalaysay din ni Lucas ang Kanyang mga turo na nagpabago sa mundo. Araw-araw na paglalakbay kay Lucas habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas