Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 22:47-51

Lucas 22:47-51 ASND

Nagsasalita pa si Jesus nang dumating ang maraming tao. Si Judas na isa sa 12 tagasunod ang nangunguna sa kanila. Nilapitan niya si Jesus at hinalikan. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Judas, tinatraydor mo ba ako, na Anak ng Tao, sa pamamagitan ng isang halik?” Nang makita ng mga kasamahan ni Jesus ang mga nangyayari, sinabi nila, “Panginoon, tatagain na ba namin sila?” At tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng punong pari, at naputol ang kanang tainga nito. Pero sinaway sila ni Jesus, “Tama na iyan!” Hinipo niya ang tainga ng alipin at pinagaling ito.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Lucas 22:47-51