Malakias 4
4
Ang Araw ng Pagpaparusa ng Panginoon
1Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, “Tiyak na darating ang araw ng aking pagpaparusa. Magiging tulad ito ng nagliliyab na pugon. Parurusahan kong gaya ng pagsunog sa dayami ang lahat ng mayayabang at ang gumagawa ng masama. Magiging tulad sila ng sinunog na kahoy na walang natirang sanga o ugat. 2Pero kayong may takot sa akin ay ililigtas ko gaya ng pagsikat ng araw#4:2 ililigtas … araw: Sa literal, sisikatan ng araw ng katuwiran. na ang sinag nito ay nagbibigay ng kabutihan. At lulundag kayo sa tuwa, na parang mga guyang pinakawalan sa kuwadra. 3Pagdating ng araw na isakatuparan ko na ang mga bagay na ito, lilipulin ninyo ang masasama na parang alikabok na tinatapakan,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
4“Sundin ninyo#4:4 Sundin ninyo: Sa literal, Alalahanin ninyo. ang Kautusang ibinigay ng aking lingkod na si Moises. Ang mga utos at mga tuntuning iyan ay ibinigay ko sa kanya doon sa Bundok ng Sinai#4:4 Bundok ng Sinai: Sa Hebreo, Horeb. upang sundin ng lahat ng mamamayan ng Israel.
5“Makinig kayo! Bago dumating ang nakakapangilabot na araw ng paghatol ng Panginoon, isusugo ko sa inyo si Propeta Elias. 6Ibabalik niya ang mabuting relasyon ng mga magulang at mga anak, upang pagdating ko ay hindi ko na isusumpa ang inyong bayan.”
Kasalukuyang Napili:
Malakias 4: ASD
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.
Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.
―――――――
Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Used with permission. All rights reserved worldwide.