Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Malakias 4

4
Ang Araw ng Pagpaparusa ng Panginoon
1Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan, “Tiyak na darating ang araw ng aking pagpaparusa. Magiging tulad ito ng nagliliyab na pugon. Parurusahan kong gaya ng pagsunog sa dayami ang lahat ng mayayabang at ang gumagawa ng masama. Magiging tulad sila ng sinunog na kahoy na walang natirang sanga o ugat. 2Pero kayong may paggalang sa akin ay ililigtas ko gaya ng pagsikat ng araw#4:2 ililigtas … araw: sa literal, sisikatan ng araw ng katuwiran. na ang sinag nito ay nagbibigay ng kabutihan. At lulundag kayo sa tuwa, na parang mga guyang pinakawalan sa kulungan. 3Pagdating ng araw na isakatuparan ko na ang mga bagay na ito, lilipulin ninyo ang masasama na parang alikabok na tinatapakan.
4“Sundin ninyo#4:4 Sundin ninyo: sa literal, Alalahanin ninyo. ang Kautusang ibinigay ng aking lingkod na si Moises. Ang mga utos at mga tuntuning iyan ay ibinigay ko sa kanya doon sa Bundok ng Sinai#4:4 Bundok ng Sinai: sa Hebreo, Horeb. upang sundin ng lahat ng mamamayan ng Israel.
5“Makinig kayo! Bago dumating ang nakakapangilabot na araw ng aking pagpaparusa, isusugo ko sa inyo si Propeta Elias. 6Ibabalik niya ang magandang relasyon ng mga magulang at mga anak, upang pagdating ko ay hindi ko na isusumpa ang inyong bayan.”

Kasalukuyang Napili:

Malakias 4: ASND

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in