Ganito ang pangyayari sa pagkapanganak kay Jesu-Cristo: Si Maria na kanyang ina ay nakatakdang ikasal kay Jose. Pero bago pa sila ikasal, nalaman ni Maria na buntis siya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Si Jose na magiging asawa niya ay isang matuwid na tao at ayaw nitong malagay sa kahihiyan si Maria, kaya ipinasya niyang hiwalayan na lang si Maria nang palihim. Habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon at nagsabi, “Jose, na mula sa angkan ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang pagbubuntis niyaʼy sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Manganganak siya ng isang lalaki at papangalanan mo siyang Jesus, dahil ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, “Magbubuntis ang isang birhen at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin siyang Emmanuel” (na ang ibig sabihin, “Kasama natin ang Dios”). Nang magising si Jose, sinunod niya ang sinabi ng anghel at pinakasalan niya si Maria. Pero hindi siya sumiping kay Maria hanggang sa maipanganak nito ang sanggol. Nang manganak na si Maria, pinangalanan ni Jose ang sanggol ng Jesus.
Basahin Mateo 1
Makinig sa Mateo 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 1:18-25
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas