Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Mateo 24:3-14

Mateo 24:3-14 ASD

Habang nakaupo si Hesus sa Bundok ng mga Olibo, lumapit sa kanya ang mga alagad niya at nakipag-usap nang sarilinan. Sinabi nila, “Sabihin nʼyo po sa amin kung kailan mangyayari ang sinabi nʼyo. At ano po ang palatandaan ng muli nʼyong pagparito at ng katapusan ng mundo?” Sumagot si Hesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo malinlang ninuman. Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan at sasabihing sila ang Mesias, at marami ang kanilang ililigaw. Makakarinig kayo ng mga digmaan, at usap-usapan na may mga digmaan, ngunit huwag kayong matakot. Kinakailangang mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa ito ang katapusan. Sapagkat magdidigmaan ang mga bansa at mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at paglindol sa ibaʼt ibang lugar. Ang lahat ng itoʼy pasimula pa lang ng mga paghihirap na darating na maihahalintulad sa pasimulang sakit na nararanasan ng isang babaeng manganganak. “Sa panahong iyon, kamumuhian kayo ng lahat ng mga lahi dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Dadakpin kayo para parusahan at patayin. Marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Kapopootan at ipapahuli nila ang kapwa nila. Lilitaw ang maraming bulaang propeta at marami ang ililigaw nila. Lalaganap ang kasamaan, at dahil dito, manlalamig ang pag-ibig ng marami. Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas. Ipapangaral sa buong mundo ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos upang malaman ito ng lahat ng tao, at saka darating ang katapusan.