Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Filipos 1:12-14

Mga Taga-Filipos 1:12-14 ASD

Nais kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang lahat ng nangyari sa akin ay nakatulong pa sa paglaganap ng Magandang Balita. Sapagkat alam na ng lahat ng guwardiya sa palasyo at ng iba pang naririto na nabilanggo ako dahil sa pagsunod ko kay Kristo. Dahil din sa pagkakabilanggo ko, lalo pang tumibay ang pananampalataya ng karamihan sa ating mga kapatid sa Panginoon at lalo rin silang tumapang sa pagpapahayag ng Magandang Balita.