Mga Taga-Filipos 1:12-14
Mga Taga-Filipos 1:12-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang nangyari sa akin ay nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Magandang Balita. Nalaman ng mga bantay sa palasyo at ng iba pang naririto na ako'y nabilanggo dahil sa pagiging tagasunod ni Cristo. At ang karamihan sa mga kapatid ay lalong tumibay sa kanilang pananalig sa Panginoon dahil sa aking pagkabilanggo. Hindi lamang iyon, lalo pang lumakas ang kanilang loob na ipangaral ang salita.
Mga Taga-Filipos 1:12-14 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nais kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang lahat ng nangyari sa akin ay nakatulong pa sa paglaganap ng Magandang Balita. Sapagkat alam na ng lahat ng guwardiya sa palasyo at ng iba pang naririto na nabilanggo ako dahil sa pagsunod ko kay Kristo. Dahil din sa pagkakabilanggo ko, lalo pang tumibay ang pananampalataya ng karamihan sa ating mga kapatid sa Panginoon at lalo rin silang tumapang sa pagpapahayag ng Magandang Balita.
Mga Taga-Filipos 1:12-14 Ang Biblia (TLAB)
Ngayon ibig ko na inyong maalaman, mga kapatid, na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nangyari sa lalong ikasusulong ng evangelio; Ano pa't ang aking mga tanikala kay Cristo ay nahayag sa lahat ng mga bantay ng pretorio, at sa mga iba't iba pa; At ang karamihan sa mga kapatid sa Panginoon, na palibhasa'y may pagkakatiwala sa aking mga tanikala, ay lalong nagkaroon ng tapang upang salitaing walang takot ang salita ng Dios.
Mga Taga-Filipos 1:12-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang nangyari sa akin ay nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Magandang Balita. Nalaman ng mga bantay sa palasyo at ng iba pang naririto na ako'y nabilanggo dahil sa pagiging tagasunod ni Cristo. At ang karamihan sa mga kapatid ay lalong tumibay sa kanilang pananalig sa Panginoon dahil sa aking pagkabilanggo. Hindi lamang iyon, lalo pang lumakas ang kanilang loob na ipangaral ang salita.
Mga Taga-Filipos 1:12-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)