Ang malumanay na sagot ay nakakapawi ng poot, ngunit lalong nakakapagpagalit ang pabalang na sagot. Ang salita ng taong marunong ay nagpapahiwatig ng karunungan, ngunit ang salita ng hangal ay nagpapakita ng kahangalan. Nakikita ng PANGINOON ang lahat ng lugar. Minamasdan niya ang ginagawa ng masasama at ng mga matuwid. Ang malumanay na pananalita ay nakapagpapasigla ng kalooban ng tao, ngunit ang masakit na salita ay nakakasugat ng puso. Hindi pinapansin ng taong hangal ang pagtutuwid ng kanyang ama, ngunit ang taong marunong, sumusunod sa mga paalala sa kanya. Dadami ang kayamanan sa tahanan ng mga matuwid, ngunit anumang pag-aari ng masasama ay mawawala. Ikinakalat ng marunong ang kanyang karunungan, ngunit hindi ito magawa ng mangmang. Kasuklam-suklam sa PANGINOON ang handog ng masasama, ngunit kalugod-lugod sa kanya ang panalangin ng mga matuwid. Kinamumuhian ng PANGINOON ang taong ang gawain ay masama, ngunit ang taong nagsusumikap na gumawa ng matuwid ay minamahal niya.
Basahin Kawikaan 15
Makinig sa Kawikaan 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Kawikaan 15:1-9
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas