Salmo 11
11
Salmo 11#11 Salmo 11 Ang unang mga salita sa Hebreo: Isinulat ni David para sa direktor ng mga mang-aawit.
Pagtitiwala sa Panginoon
1Nagtitiwala ako sa Panginoon na aking kanlungan.
O tao, bakit ninyo sinasabi sa akin,
“Tumakas ka papuntang kabundukan, at lumipad tulad ng ibon.#11:1 Tumakas … ibon: Ito ang nasa Septuagint at Syriac. Sa Hebreo, Ibon, tumakas kayo sa inyong bundok.
2Inihanda na ng mga masama ang kanilang mga pana,
para panain nang palihim ang mga matuwid.
3Ano ang magagawa ng mga matuwid kung ang batas
na pundasyon ng bayan ay wala nang halaga?”
4Ang Panginoon ay nasa kanyang templo;
at nasa langit ang kanyang trono.
Tinitingnan niya at sinisiyasat ang lahat ng tao.
5Sinisiyasat niya ang matutuwid at masasama.
At siyaʼy napopoot sa malulupit.
6Pauulanan niya ng lumalagablab na baga at asupre ang masasama;
at ipapadala niya ang mainit na hangin na papaso sa kanila.
7Dahil ang Panginoon ay matuwid at iniibig niya ang mga gawang mabuti,
kaya ang mga namumuhay nang tama ay makakalapit sa kanya.#11:7 makakalapit sa kanya: sa literal, makakakita sa mukha niya.
Kasalukuyang Napili:
Salmo 11: ASND
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.